Saturday , November 16 2024

Pangulong Digong idinepensa vs kritiko

IPINAGTANGGOL ni Senate committee on health chairman Senator Christopher “Bong” Go si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga puna nang mag-alis ng face mask habang nakikipag-usap sa ilang opisyal at residente sa kanyang pagdalaw sa mga nasalanta ng bagyong Rolly sa ilang bahagi ng Bicol.

Ipinaliwanag ni Go, nahihirapang marinig ng pangulo ang mga sinasabi sa kanya ng mga residente kaya siya nag-alis saglit ng mask pero agad din itong ibinalik.

Sinabi ni Go, nahihirapan din magsalita ang pangulo kaya napilitan siyang magtanggal para marinig din ng mga residente ang kanyang sinasabi kasabay ng pagtitiyak na hindi masyadong malapit ang pangulo sa pakikipag-usap.

Giit ni Go, tiniyak nilang nasunod ang iba pang health at safety protocols para makaiwas sa CoVid-19.

Binigyang diin ni Go, imbes punahin at batikusin ang pagkilos ng pangulo ay mas mabuting tumulong sa mga kababayang nasalanta ng bagyong Rolly at iba pang kalamidad.

(CYNTHIA MARTIN)

About Hataw Tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *