Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Missing in action’ sa bagyong Rolly 10 Mayor inisyuhan ng ‘show cause order’

PINADALHAN na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng “show cause orders” ang 10 alkalde na ‘missing in action’ habang sinasalanta ng super bagyong Rolly ang kanilang lokalidad.

Tumangging pangalanan ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya ang mga naturang alkalde bilang bahagi ng due process.

Aniya, ang mga LGU official ay mula sa Region VIII, Region V, CALABARZON, MIMAROPA, Central Luzon at maging sa National Capital Region.

Aniya, nais muna nilang bigyan ang mga naturang opisyal ng pagkakataon na makapagpaliwanag dahil maaari rin namang nagkamali lamang ng ulat ang kanilang mga tao sa ibaba.

“You want to give them an opportunity to reply. Baka naman nagkamali ‘yong report sa atin ng ating mga tao sa baba,” ani Malaya.

Mayroon aniyang limang araw ang mga naturang alkalde upang makapagsumite ng paliwanag.

Nagbabala si Malaya, kung hindi magiging katanggap-tanggap ang paliwanag ng mga opisyal ay maaari silang maharap sa kasong negligence, dereliction of duty o di kaya ay grabe o simple misconduct sa Office of the Ombudsman.

Matatandaang unang sinabi ng DILG na pagpapaliwanagin ang mga alkalde matapos iulat na sila’y ‘missing in action’ sa kani-kanilang lugar sa kasagsagan ng bagyo.

Nabatid na ang ulat na ginamit na basehan ng DILG sa pag-iisyu ng show cause orders sa mga alkalde ay mula sa DILG officers nila na nasa grounds.

“Hindi naman namin sinasabi na nasa munisipyo ‘yung mayor na nag-aantay na dumaan ‘yung bagyo. Ang sinasabi lang namin, nandoon ka sa bayan mo, na nandoon ka para puwede kang takbuhan, puwede kang puntahan ng iyong DRRMO, or ikaw mismo ang umikot,” paliwanag ng tagapagsalita ng DILG.

(ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …