MAY agam-agam si Senate President Vicenete Sotto III na maaapektohan ang magiging desisyon ng mga mambabatas sa pagpayag ng civil union para sa same-sex couples.
Ito ay matapos ipahayag ni Pope Francis ang kaniyang suporta sa pagsasama ng parehong kasarian.
Ayon kay Sotto, matagal nang nangyayari sa Filipinas ang pagsasama ng mga homosexuals ngunit maraming rehiyon at sektor pa rin ang umaalma sa same-sex marriage.
Nananatiling konserbatibo ang pananaw ng Senate leader sa mga isyu tungkol sa LGBTQ+ community.
Noong nakaraang taon ay sinabi nito na walang tsansa na palulusutin ng mataas na kapulungan ang panukala ukol sa Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) Equality.
Dagdag nito, maaari lamang aprobahan ng Senado ang anti-discrimination bill ngunit hindi ito magpo-focus sa mga myembro ng LGBTQ+.
CYNTHIA MARTIN