Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Parang cenobite

Everybody is a book of blood; wherever we’re opened, we’re red.
— English playwright Clive Barker

PASAKALYE
Text Message…
Iyong dolomite sa Manila Bay ay sana hindi parang makeup — ang mahal-mahal tapos isang paligo o bagyo lang ay wala na. — Liza A. S. (09974302…, October 23, 2020)

* * *

NAALALA n’yo pa ba iyong pelikula noong 80s hanggang 90s na Hellraiser? Sa nasabing pelikula, mayroong mga likha na kung tawagin ay mga Cenobite. Sila iyong mga extra-dimensional na mga nilalang na ang hitsura ay kahindik-hindik dahil sa iba’t ibang ‘mutilation’ sa kanilang pangangatawan.
Ang philosophical motivation ng mga Cenobite ay pababago-bago sa serye ng Hellraiser franchise. Ngunit iisa lang ang kanilang pagnanais — ang pagpapalawig ng paghihirap hanggang umabot ito sa tinatawag na ‘sensory overload.’
Sa paglalarawan ng mga Cenobite, dito natin maihahambing ang dolomite na itinambak sa Manila Bay. Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang layunin daw ng nasabing proyekto ay upang pagandahin ang dalampasigan ng makasaysayang look ng Maynila at mabura ang dating imahen nito bilang tambakan ng basura at isa sa pinakamaruming katawan ng tubig sa ating bansa.
Sabi nga sa paliwanag ng maykatha ng Hellraiser na si Clive Barker, ang mga Cenobite daw ay mga nilalang na nais palawigin ang paghihirap, at katulad din nito, ang matatawag na ‘dolomite beach’ ng Manila Bay ay pagpapalawig din ng paghihirap ng mga residente sa Kamaynilaan dahil sa milyon-milyong pisong ginasta para sa proyekto ay tunay ngang naglaho sa isang iglap dulot ng matinding buhos ng ulan at pagkati ng mga alon mula sa karagatan .

* * *

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o i-text sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Ang sabsaban at ang masa:  
Pagharap sa korupsiyon ngayong Pasko

PADAYONni Teddy Brul TUWING Pasko, paulit-ulit nating ginugunita ang kapanganakan ni Hesus sa isang sabsaban—isang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …