Saturday , November 16 2024

Cebu Pac flexible booking option pinalawig ng 2-taon travel fund at unli-rebooking (Hanggang 31 Disyembre 2020)

PINAHABA ng Cebu Pacific (CEB) ang coverage ng kanilang flexible booking option para sa mga pasaherong bibiyahe hanggang 31 Disyembre 2020.

Ani Candice Iyog, CEB VP for Marketing and Customer Experience, patuloy silang nakikinig sa kanilang mga pasahero upang patuloy din nilang mapaganda ang kanilang serbisyo at matugunan ang mga pangangailangan ng ‘everyjuan.’

Kaugnay nito, minabuti ng CEB na pahabain ang mga flexibility ng kanilang mga flight hanggang sa katapusan ng taon upang bigyan ng mas mahabang panahon ang mga pasahero.

Maaari din magamit ang Travel Fund sa loob ng dalawang taon at maaaring gamitin sa pag-book ng flight 12 buwan bago ang flight kung magagawa ang transaksiyon bago mapaso ang Travel Fund.
Samakatuwid, maaaring magamit ng mga pasahero ang kanilang Travel Fund hanggang 2023.

Nakapaloob sa virtual wallet na ito ang kabuuang halaga ng ticket, na hindi lamang sa flight maaaring gamitin kung hindi pati sa pagbabayad ng ancillaries, gaya ng baggage allowance at seat blocking.

Magandang alternatibo ito para sa mga pasaherong wala pang tiyak na petsa ng kanilang mga biyahe.

Ang Travel Fund ay retroactive kaya ang two-year validity nito ay magsisimula lamang sa petsa kung kailan ito ini-apply.

Samantala, maaari pa rin magamit ng mga pasahero ang unlimited rebooking ng kanilang mga flight na walang kailangang bayarang rebooking at change fees.

Sa mga nais ipagpaliban ang kanilang mga biyahe, maaaring mai-rebook nang libre ang kanilang mga flight nang ilang beses upang mabigyan ng panahon ang mga pasahero na maiayos ang kanilang mga biyahe sa kabila ng naranasang krisis dulot ng pandemya.
Sa may mga kanseladong flight, maaari nilang ilagay ang buong halaga ng kanilang mga ticket sa Travel Fund na maaaring gamitin sa loob ng dalawang taon; unli-rebooking; o full refund ng kanilang ticket.

Pinapayohan ang mga pasahero na gamitin ang “Manage Booking” portal sa website ng Cebu Pacific upang mas madaling ayusin ang kanilang mga flight.

Patuloy na ipinaiiral ng CEB ang ‘enhanced bio-security preventive measures’ na naaayon sa global aviation standards upang mapanatiling ligtas ang mga pasahero at mga staff ng eroplano.

Kabilang rito ang contactless procedures, malimit na paglilinis, at pagdidisinpekta ng mga eroplano at mga pasilidad, pagsusuot ng masks at face shields ng mga pasahero at crew, at rapid antibody testing para sa CEB frontliners.

“Rest assured we remain optimistic for the industry, and look forward to the day #EveryJuanWillFlyAgain,” dagdag ni Iyog bilang mensahe sa kanilang mga pasahero.

GMG

About Hataw Tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *