Saturday , November 16 2024

Welder arestado (Pagnanakaw nakunan ng CCTV)

SA TULONG ng closed circuit television (CCTV) camera, arestado ang isang welder matapos makunan ang ginawa nitong pagpasok at pagnanakaw sa bahay ng kanyang kapitbahay sa Malabon City.

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Angela Rejano ang naarestong suspek na si Marcial Demata, 36 anyos, residente sa 2/F ng Bernabela Realty Residence sa Blk 1 Lot 12 Pampano St., Baranagy Longos, na nahaharap sa patong-patong na kaso.

Sa imbestigasyon nina P/SSgt. Jose Romeo Germinal at P/SSgt. Jeric Tindugan, naghahanda para sa kanilang family bonding ang biktimang si Chelsea Monelli Sacramento, 28 anyos, accountant, sa loob ng kanilang unit sa 3/F ng Bernabela Residence nang mapansin na nawawala ang kanyang cellphone at sapatos.

Nang suriin ang CCTV footages, natuklasan niya na ang kanyang kapitbahay ang pumasok sa kanilang unit at kinuha ang kanilang cellphone, mga sapatos at tsinelas.

Humingi ng tulong ang biktima sa Malabon Police Sub-Station 5 na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at nabawi ang cellphone na P8,000 ang halaga at pares ng sapatos na P5,000 ang halaga habang hindi na nabawi ang dalawang pares ng sapatos na P10,000 ang halaga at dalawang pares ng tsinelas na P4,000 ang halaga.

Rommel Sales

About Hataw Tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *