Saturday , December 28 2024

PNP-CIDG inalerto vs ‘con-artists’ na gumagamit sa DILG

INALERTO ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at mga local government executives laban sa panibagong sindikato ng mga extortionist at con-men.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, marami silang natatanggap na report mula sa DILG regional at field offices at mga LGUs na nakatanggap sila ng texts at tawag mula sa mga con-artists at impostor na nagpapanggap na senior DILG officials, siya o kanyang mga staff, at nag-aalok ng CoVid-19 assistance at nanghihingi ng kapalit na pera.

“Pinapayohan po natin ang ating LGUs at ang publiko na mag-ingat sa mga walanghiyang mandurugas na sindikato na nagpapakilalang DILG at nangingikil ng pera kapalit ng umano’y ayuda,” ani Malaya.
“Kahit po ang inyong lingkod ay ilang beses nang ginamit ang pangalan para makapanloko. Kailanman ay hindi tayo nanghihingi ng pera sa kahit sinong mayor, vice mayor, o kapitan kapalit ng serbisyo publiko na ibinibigay ng DILG,” dagdag nito.

Sa isang report sa DILG ni Mayor Danilo M. Diamante ng Tuburan, Cebu, sinabi niyang siya ay nakatanggap ng tawag mula sa isang nagpakilalalang DILG Undersecretary.

Humihingi umano ang caller ng pera mula kay mayor para umano sa shipping ng 1,500 kaban ng bigas na ibibigay bilang assistance sa kanyang bayan. Sinabihan din daw si Mayor Diamante na idiin ang isang SB member na sangkot sa ilegal na droga na pinabulaanan naman ng huli.

Nakatanggap si Malaya ng report mula kay DILG CALABARZON Regional Director Ariel O. Iglesia, Mayor Rachel Ubana ng Lopez, Quezon, Mayor Nacional V. Mercado ng Maasin City, Southern Leyte, at Mayor Melina Requinto ng Estancia, Iloilo.

“Halos pare-pareho ang estilo ng sindikatong ito. Tatawag at magpakilalang DILG, magbibigay kunwari ng tulong na bigas o iba pang suporta ngayong CoVid-19 at sa huli ay manghihingi ng pera para sa transportsyon at iba pang gastusin,” paliwanag ni Malaya.

Dagdag niya, inalerto na nila ang PNP-CIDG sa modus operandi at doble sipag sila ngayon upang maipakulong ang mga scammer.

Almar Danguilan

About Hataw Tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *