Thursday , December 26 2024

Mega task force vs corruption, ‘clearing house’ ng Duterte allies?

MAGSISILBING ‘clearing house’ ng mga kaalyado ng Palasyo ang binuong mega task force kontra korupsiyon upang ilusot sila sa mga asuntong haharapin pagbaba sa puwesto sa 2022.

Pangamba ito ng ilang political observers kasunod ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Justice Secretary Menardo Guevarra na pangunahan ang isang mega task force na magsisiyasat sa korupsiyon sa buong pamahalaan na sisimulan sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Bago pa opisyal na magsimula sa trabaho ang mega task force ay inabsuwelto na agad ni Pangulong Duterte si DPWH Secretary Mark Villar sa mga nagaganap na talamak na katiwalian sa kagawaran.

“And this is my second call for a total campaign against corruption. Iyong Task Force na nabuo ko — puro man abogado ‘yon, puro engineer, puro doktor — this time we will look into every department. But upon my request, behest, to focus sa corruption sa DPWH. Let me state here and now that I have nothing against Secretary Villar. He is one of the hardworking at maraming accomplishments si Secretary Villar. But you know accomplishments alone to me should not suffice para na sa akin, hindi na kay Secretary Villar, because it’s not his job to be running after crooks,” sabi niya sa taped public address kahapon.

Maging si Health Secretary Francisco Duque III ay pinawalang sala rin ni Duterte sa nabulgar na multi-bilyong anomalya sa PhilHealth kahit pa inirekomenda ng Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso na panagutin siya sa korupsiyon sa ahensiya.

“But mind you, Secretary Duque was not a part of PhilHealth. As a matter of fact, he was not even reporting. That’s why ‘yung Congress noong sabi nila i-suspend si — or oust si Duque, I said, “For what?” Kasi nauna na — nandito na — nauna kami, sa amin galing ‘yan e. So binasa ko, ano — what ground would I base my decision? Would I just obey the cry of one million as against my assessment na si Duque walang nanakaw kung pera ang pag-usapan? Maybe some other things. He might be some other things but corruption no, pera wala,” anang Pangulo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mega task force ay bubuuin ng National Bureau of Investigation, Office of the Ombudsman, Civil Service Commission, at Presidential Anti-Corruption Commission.

Paglaban sa korupsiyon ang isa sa mga pangako ni Duterte noong panahon ng kampanya ngunit mahigit isang taon na lang sa puwesto ay lalong umiigting ang ulat ng mga katiwalian sa mga ahensiya ng pamahalaan.

Mula nang maluklok sa Palasyo wala pang kaalyado ng Pangulo ang napanagot sa kinasangkutan katiwalian, at naging pamoso rin ang Punong Ehekutibo sa pag-recycle ng mga opisyal na nasabit sa korupsiyon.

Rose Novenario

About Hataw Tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *