Saturday , November 16 2024

Makabayan bloc, idinepensa ni Velasco vs red-tagging

IPINAGTANGGOL ni House Speaker Lord Allan Velasco ang mga mambabatas mula sa Makabayan bloc laban sa walang habas na red-tagging ni Southern Luzon Command (Solcom) chief at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesman Lt. Gen. Antonio Parlade, Jr., na naglalagay sa peligro sa buhay ng mga naturang mambabatas.

“I am deeply concerned over the continuous red-tagging of some members of the House of Representatives by Lt. Gen. Antonio Parlade, Jr., that endangers the lives of these duly-elected officials,” ayon kay Velasco sa isang kalatas.

Giit niya, bilang Speaker ng Mababang Kapulungan ay tungkulin niyang protektahan ang mga mambabatas sa nakaambang panganib dahil sa palasak na akusasyon upang magampanan nila ang legal at constitutional mandate bilang mga miyembro ng Kongreso.
Dapat aniyang maging maingat si Parlade sa paglalabas ng mga pahayag laban sa mga progresibong kongresista dahil maaaring napapahamak sila sa mga akusasyon ng heneral na walang inilalabas na ebidensiya.

“General Parlade should be more circumspect and cautious in issuing statements against House members whose lives he may place at great risk and danger sans strong evidence,” aniya.

Kahit hindi aniya nagkakasundo sa ilang usapin, dapat tandaan na ang mga militanteng kongresista ay inihalal na kinatawan ng mga mamamayan at ang pagsasangkot sa kanila sa mga isyu na hindi pa napapatunayan ay hindi tama.

Nababahala rin si Velasco sa pag-asinta ni Parlade sa celebrities na isinatinig ang kanilang mga prinsipyo at adbokasiya.

Umaasa ang Speaker na ititigil ni Parlade ang mga pahayag na magdudulot ng seryosong epekto sa kanyang mga inaakusahan.

Hinamon niya ang heneral na kung may hawak na mga ebidensiya ay magsampa ng demanda kaysa pumutak sa media.

“If he has evidence, gather them and go to court, and not to the media,” dagdag ni Velasco.

Umani ng batikos ang kaliwa’t kanang red-tagging ni Parlade sa mga artista at pag-amin na tinitiktikan ng military ang mga miyembro ng Makabayan bloc dahil sa kaugnayan umano nila sa kilusang komunista.

Rose Novenario

About Hataw Tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *