Thursday , December 26 2024

Obrero ng PTV-4 at IBC-13, nganga sa Duterte admin

WALANG nakikitang pag-asa ang mga obrero ng state-run TV networks na maibibigay ang umento sa sahod at mababayaran ang mga utang sa kanila sa mga benepisyo hanggang matapos ang administrasyong Duterte sa 2022.

Nagturuan ang dalawang opisyal ng Palasyo kung sino ang tutugon sa tanong hinggil sa labor issues sa People’s Television Network Inc. (PTNI) at Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) sa ginanap na virtual press briefing kahapon.

Imbes sagutin ang kuwestiyon kung ano ang gagawin ng Palasyo para aksiyonan ni Communications Secretary Martin Andanar ang mga hinaing ng mga manggagawa sa IBC-13 at PTNI na nasa ilalim ng kanyang pangangasiwa, ipinasa ni Presidential Spokesman Harry Roque kay Undersecretary Rocky Ignacio ang tanong para tugunan.

“Siguro, Usec. Rocky, as Usec. of PCOO, you’ll be in a better position to answer that,” sabi ni Roque.

Binalewala ni Ignacio ang hirit ni Roque na sagutin niya ito bilang undersecretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) at overseer ng PTNI at mistulang clueless pa na nagpasalamat sa Tagapagsalita ng Pangulo.

“Thank you, Secretary,” wika ni Ignacio kay Roque.

Batay sa open letter ng People’s Television Employees Association (PTEA) kay Pangulong Rodrigo Duterte, inireklamo nila ang pagtataingang kawali ng management sa kanilang mga panawagan gaya ng regularisasyon sa matagal nang contract of service employees kahit ang ilan ay sampung taon na sa serbisyo; pagbibigay ng rice and educational allowance (PERA) 2019 at 2020 na nakapaloob sa Collective Negotiation Agreement (CNA); pagbibigay ng overtime payment mula 2013 – 2016 at sa mga buwan ng Mayo, Hunyo, Hulyo, Agosto, at Setyembre 2020.

Nais din nilang resolbahin ng management ang usapin sa performance based bonus (PBB)l GSIS refund, P25,000 CNA incentives mula 2017-2019 at pagbibigay ng separation at retirement benefits.

“Hanggang sa panahong ito, ang pangako ni Sec. Andanar noong Hulyo 2017 na pagtaas ng aming mga sahod ng P6,000 across the board ay nakabinbin pa rin at hindi pa rin natutupad,” anang PTEA.

Habang ang IBC Employees Union (IBCEU) ay may unpaid benefits mula pa noong 2008 at malaki rin ang pagkakautang ng management sa mga retirado.

Batay sa 2019 COA Annual Audit Report, natuklasan ang illegal wage hike ng matataas na opisyal ng IBC-13 mula sa dating president nitong si Katherine de Castro hanggang sa manager ng mga departamento.

Maraming anomalya na kinasasangkutan umano ng dati at kasalukuyang matataas na opisyal ng IBC-13 ang isinumbong ng union kay Pangulong Duterte ngunit wala pa rin aksiyon ang Office of the President.

Si De Castro ang kasalukuyang general manager ng PTNI at si Corazon Reboroso, Human Resources Department head ang tumatayong officer-in-charge ng IBC-13.

(ROSE NOVENARIO)

About Hataw Tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *