Saturday , November 16 2024

Isang araw matapos ang kaarawan ni Yorme: Nanay Rosario Domagaso, pumanaw, edad 74 anyos

PUMANAW sa edad 74 anyos ang ina ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, na si Rosario Domagoso nitong Linggo ng umaga, 25 Oktubre.

Naiwan ni Nanay Rosario ang kaniyang nag-iisang anak na si Mayor Isko, isang araw matapos ang ika-46 kaarawan ng alkalde.

Inanunsiyo ang pagkamatay ni Nanay Rosario ng Archdiocesan Shrine and Parish of Santo Niño de Tondo sa kanilang Facebook page noong Linggo ng gabi.

Kabilang ang Ospital ng Maynila Medical Center sa nagluluksa sa pagpanaw ng ina ng lokal na punong ehekutibo.

“Let us pray for the soul of (the) mother of our beloved Mayor Isko Moreno Domagoso, who peacefully joined our Creator,” mula sa Facebook post ng OMMC.

Samantala, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang alkalde ng Maynila kaugnay ng pagpanaw ng ina.

Tubong-Allen, Northern Samar, lumipat ng Maynila si Nanay Rosario kasama ang ama ni Mayor Isko na si Joaquin Domagoso, isang pahinante sa Manila North Harbor.

(KARLA OROZCO)

About Hataw Tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *