Saturday , November 16 2024

Aguinaldo tigbak sa parak

TODAS ang isang hinihinalang drug personality nang tangkaing barilin ang isang nagpapatrolyang pulis sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang suspek na kinilalang si Ronald Aguinaldo, 40 anyos, residente sa Barangay 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod sanhi ng tama ng bala sa katawan,

Bago ang insidente, nagsasagawa ng foot patrol si P/Cpl. Joe Laurence Balinggao ng Bagong Silang West Sub-Station 12 sa kahabaan ng Phase 9 Package 3, Bagong Silang dakong 7:30 pm nang mapansin ang suspek na walang suot na damit habang naglalakad at may nakasukbit sa kanyang baywang na improvised gun.

Tinangkang lapitan ni P/Cpl. Balinggao si Aguinaldo ngunit binunot ng suspek ang kanyang baril saka pinaputukan ang pulis ngunit hindi ito pumutok.

Dahil sa nakitang panganib sa kanyang buhay, inilabas ni P/Cpl. Balinggao ang kanyang service firearm at pinutukan nang isang beses sa katawan ang suspek.

Narekober sa crime scene ng nagrespondeng tauhan ng NPD Crime Laboratory Office sa pangunguna ni P/Maj. Argentina Casino ang improvised gun na kargado ng bala, at dalawang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

(ROMMEL SALES)

About Hataw Tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *