Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Heritage at solidarity sa PPP4, tuloy

GAGANAPIN ang Pista ng Pelikulang Pilipino 4 (PPP4) mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 15 sa FDCPchannel.ph platform. Ang Early Bird Rate Pass na PHP 450 para sa 16-day Full Run Pass (PHP 599) ay mabibili hanggang Oktubre 15 lamang. Ang iba pang subscription options ay ang Half Run Pass (PHP 299) para sa walong araw, Day Pass (PHP 99), at Free Pass (para sa short films at public events).

 

Simula Oktubre 16, magkakaroon na ng discounts para sa persons with disabilities (PWDs) at senior citizens (20%) at mga mag-aaral (30%).

Mapapanood sa buong Pilipinas ang pelikulang ipalalabas ng FDCP para sa PPP4.

 

“This year’s PPP may be different, but I assure that it will continue to celebrate the heritage and potential of our film industry by spreading the love for Philippine Cinema.

 

“The festival will also promote solidarity because ultimately, PPP 4 is one way to help sustain the Filipino film industry in light of the pandemic’s devastating effects,” sambit ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño.

Ang slogan na, PPP4, Sama All! ay hindi lamang para sa filmmakers kundi para sa mga manonood din para mapahalagahan nila ang Philippine Cinema at makatulong sa hangarin ng FDCP na makapagbigay ng suporta sa industriya ng pelikula sa gitna ng Covid-19  pandemya.

 

Lahat ng proceeds mula sa sales ng PPP Festival Passes ay mapupunta sa lahat ng producer na kasama sa PPP.

 

Para sa updates sa karagdagang PPP4 titles at iba pang impormasyon, bumisita sa FDCPchannel.ph o facebook.com/FDCPPPP.

 

Maliban sa QCinema, Sinag Maynila, Sine Kabataan, at CineMarya, tampok din sa PPP4 ang mga pelikula mula sa iba’t ibang producer at mula rin sa Cinemalaya Philippine Independent Film FestivalCineFilipino Film Festival, at ToFarm Film Festival.

 

Ipalalabas ng Special Screenings section ang Mula sa Kung Ano ang Noon ni Lav Diaz.

 

Ang PPP online edition ngayong taon ay may 14 na sections, kasama ang Lav Diaz special screening at libreng short films showcase.

 

Kamakailan isang malaking pagtitipon ng samo’tsaring pelikula ang ika-4 na edisyon ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na magpapalabas ng hindi bababa sa 145 na pelikula — 67 na full-length films at 78 na short films ang ipinahayag ni Liza sa grand presscon ng press media via Zoom.

 

Bilang organizer ng PPP, inaanyayahan ng FDCP ang lahat ng stakeholders na magsama-sama at magkaisa para sa industriya ng pelikula.

 

Ang Sama All! na slogan, na tampok sa PPP4 poster, ay imbitasyon ng FDCP para sa PPP4 na gaganapin mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 15.

 

Ang key elements sa poster ay kumakatawan sa mga pelikulang kasama sa 14 na sections ng online festival: PPP Short Films, Romance, Youth & Family, Classics, PH Oscar Entries, Genre, Bahaghari, Tribute, From the Regions, Documentaries, PPP Retro, Special Screenings, CineMarya, at PPP Premium Selection.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …