Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia Sanchez at Rhea Tan, gagawaran ng Gawad Pasado

LABIS-LABIS ang kasiyahan at pasasalamat ng CEO/President ng Beautedem na si Rhea Anicoche-Tan sa panibagong parangal na natanggap, ang PinakaPASADONG Huwaran sa Serbisyo Publiko mula sa Gawad Pasado na igagawad sa kanya sa October 10, 2020 via Zoom.

Post ng pamunuan ng Gawad Pasado sa kanilang Facebook page, “Kinikilala ng GAWAD PASADO ang mga taong may malasakit sa kapwa na handang tumulong sa mga nangangailangan. Siya ay nagbibigay ng kanyang serbisyo sa publiko upang maitaas ang antas ng kanilang pagkilala sa sarili. May mataas din siyang pagtingin sa kahalagahan edukasyon para sa mga kabataan. Sa taong 2019-2020, Iginagawad ng PAMPELIKULANG SAMAHAN NG MGA DALUBGURO ang PinakaPASADONG Huwaran sa Serbisyo Publiko kay Bb. Rhea Anicoche- Tan Pagbati !❤️❤️❤️.

Bibigyang parangal din ang ilang mga nangniningning na bituin sa telebisyon at pelikula, isa rito ang Face of Beautederm na si Sylvia Sanchez bilang Pinaka-Pasadong Actress sa Telebisyon para sa mahusay nitong pagganap sa Kapamilya teleserye, Pamilya Ko habang ang co-actor nito na si JM De Guzman naman ang itinanghal na “ Pinakapasadong Actor sa Telebisyon.

Bibigyang parangal din sina Alden Richards at Kathryn Bernardo bilang Pinaka-Pasadong Actor/ Actress sa Pelikula para sa pelikulang Hello Love Goodbye at sina Allen Dizon at Judy Ann Santos bilang Pinaka-Pasadong Actor/ Actress sa Pelikula para sa Mindanao.

John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …