Monday , December 23 2024

Liza idinemanda, netizen na nasa likod ng ‘rape joke’—It is not something that should be taken lightly

HINDI pinalampas ni Liza Soberano ang komento ng empleado ng isang internet provider na ‘sarap ipa-rape sa mga…ewan!’ na siya ang tinutukoy kahit hindi pa binanggit ang pangalan niya.

Katwiran ng empleadong si Mellisa Olaes, pribado ang komento niya kaya paano masasabi ng aktres na siya ang pinatutungkulan.

Ang paliwanag naman ng manager ni Liza na si Ogie Diaz, “Nag-comment ka roon, at ano ang sinasabi mong pribado, nakapubliko ka. Ang pribado ay ‘yung private message. Laitin ninyo si Liza, it’s okay karapatan n’yo ‘yan, pero magko-comment ka about rape? Na sana ma-rape siya?

“Ah talaga, naranasan mo na bang ma-rape noong araw? Kahit sa’yo anak, Melissa, matanda ako sa ‘yo, hindi ko hahayaan ‘yan at kahit sa dalawang daughter mo kung totoong may dalawang daughter ka, hindi ko rin hahangarin ‘yan dahil ako may limang daughter, nanay ng anak ko, nanay ko, mga kapatid ko, hello? Saan lupalop ka galing para maghangad ng masama sa kapwa?

“Okay lang ‘yung ‘sana matalisod ka!’ ‘Yung iba nga sinasabi sana ‘matigok ka na’ tinatanggap pa, pero ‘yung ma-rape? Nakakaloka, babae ka anak, bakit ka nagsasabi ng ganyan sa iyong kapwa? Ikaw ba ‘yan? Ganoon kasimple sa ‘yo? Kababae mong tao, Teh! Kakaloka, kahit mga bakla hindi sasabihin ‘yan! At nakakahiya may anak ka! Lumampas ka sa guhit, ateng!”

Ang sabi rin ni Liza sa nagkomento, “Don’t worry we won’t let this one pass. They know my address.”

Nagsimula ang lahat nang i-tweet ni Liza ang reklamo niya sa Converge dahil sa mabagal na internet connection sa bahay nila. Nagawa niya ito dahil ilang beses na siyang tumatawag sa customer service ng nasabing kompanya pero walang sumasagot.

Aniya, “Converge really needs to start fixing their internet speed. I am an unhappy customer.”

At dahil sa tweet niya ay at saka may dumating na gagawa sa bahay nila at hindi pa rin naayos, ang nangyari pa ay nilabag ng mga gumawa ang privacy law ng customer nila dahil isinapubliko nila ang personal informations ng aktres bagay na lalong ikinagalit nito.

“To that employee of my ex-internet provider who divulged personal information. Don’t try to turn this on me. My whole rant was about bad customer service. That’s pretty sketchy of you trying to make it look like it’s my fault why I have bad internet.

“I could go on and on, but bottom line treats your customers fairly, no matter who they are. Cause people work hard to pay for their internet and most of our work is done online now. Okay that’s all on this internet fiasco. Bye,” pahayag ni Liza.

At tungkol naman sa ginawa ni Mellisa na head ng sales department ng Converge, humingi ng dispensa ang management sa aktres.

“We are deeply concerned about the wrongful comments and behavior of some employees over social media. We do not tolerate such actions toward any customer and emphasize that their personal opinions do not reflect the company’s perspective, values, and culture. We are currently dealing with this matter and we will carry out disciplinary measures accordingly.”

Tinanggap naman nina Ogie at Liza ang statement ng internet provider pero may legal action silang gagawin.

“Pinag-uusapan na namin ng lawyer ‘yan, kung anong legal na aksiyon na puwede naming gawin at the same time ‘yung data privacy law ay na-violate ng isang empleado na ‘yung kanilang report sa ipinare-repair ng mga Soberano ay inilabas nila,” pahayag ng manager ng aktres.

Naglabas din ng public apology si Melissa sa kanyang Facebook page.

Anyway, tinuluyan na ni Liza ang empleado ng Converge kahapon, Huwebes dahil personal silang nagtungo kasama ang manager niyang si Ogie at abogadong si Atty. Jun Lim of Lim-Yutatco-Sze law office sa opisina ni Quezon City Deputy City Prosecutor Irene Ressureccion para manumpa.

Ang ‘sarap ipa-rape’ na pinost sa Facebook ay maliwanag na clear violation of Section 4(c)(4) of Republic Act. No. 10175, otherwise known as “Cybercrime Prevention Act of 2012,” in relation to Article 355 of the Revised Penal Code.

Nabanggit din ni Liza sa panayam niya kay MJ Felipe ng TV Patrol na below the belt ito.

“It was on Facebook under a thread of comments. It wasn’t the actual post of the person but she left a comment under someone else’s post a few days ago.

“It sounded like ‘Wala na raw akong trabaho. So I can do anything I want, ‘di bale na raw masira ang image ko tapos masarap ipa-rape.

“I was really upset because the fact that it is a rape joke, it is not something that should be taken lightly. And the fact that she is a woman, I would never in a million years do a joke like that.

“I think it is about time that people learn the consequences of speaking like that on social media.

“I know that everybody is entitled to their own opinion, that is true, but at some point you have to be respectful to others online. I want people to learn that there are consequences to everything, like rape jokes, because that is not a light matter,” mahabang sabi ng aktres.

Reggee Bonoan

About Hataw Tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *