BALEWALA at hindi iniinda ng mamimili ang ipinalabas na babala ng Department of Trade and Industry- Bureau of Philippine Standards (DTI-BPS) kaugnay ng panganib na puwedeng idulot ng paggamit ng pekeng liquefied petroleum gas (LPG) na nagkalat sa mga lalawigan partikular sa Laguna.
Sa ipinalabas na anunsiyo ng DTI-BPS noong nakalipas na taon, lumilitaw na patuloy na tinatangkilik ng publiko ang mga pekeng LPG tank tulad ng Bess Gaz na sinasabing nagkalat sa mga lalawigan CALABARZON.
Sinasabing nagtataingang kawali ang kaukulang ahensiya ng pamahalaan sa patuloy na operasyon ng mga manufacturer ng mga pekeng LPG tank na may nakaambang panganib sa kabuhayan ng mamimili.
Base sa anunsiyo ng DTI-BPS, ang mga pekeng LPG tank ay walang markang Philippine Standard (PS) at Import Commodity Clearance (ICC) na kasalukuyang nagkalat sa iba’t ibang bayan at lungsod sa Laguna. (NIÑO ACLAN)