BINISITA ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon ang mga naulilang pamilya sa naganap na kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu kamakailan.
“This is to confirm that PRRD visited Jolo, condoled with some of the victims of the latest blast, and conferred with the Mayor. He is expected back in Manila tonight,” ayon sa text message ni Presidential Spokesman Harry Roque sa media kagabi.
“I’m going to Jolo. Deretso ako ngayon saJolo, doon sa blast site. Mabigyan ko lang ang mga sundalo natin, mga sundalo ko, mga pulis ko ng importansiya sa kanilang kamatayan,” mensahe ni Duterte sa ilang tagasuportang artists na nangharana sa kanya kahapon.
Walang ibang detalyeng inilabas ang Palasyo kaugnay sa Jolo visit ng Pangulo partikular sa pasya niya kung magdedeklara o hindi ng batas militar sa lalawigan ng Sulu.
Matatandaang iniulat ng mga awtoridad na dalawang suicide bombers ang naglunsad ng mga pagsabog.
Pawang mga biyuda umano ng mga nasawing suicide bombers na miyembro ng teroristang Abu Sayyaf Group ang dalawang kababaihan.
(ROSE NOVENARIO)