Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Matt Evans, dumaraan sa mga pagsubok

MARAMING malapit kay Matt Evans ang nalungkot sa pagkakaaresto sa actor kamakailan. May kauganayan ito sa kasong Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 na isinampa ng dati niyang karelasyon.

 

Matatandaan na ang kasong isinampa kay Matt ng dating kasintahang si Johnelline Hickins ay noon pang 2012. Dinala ang aktor sa MPD station at kailangang magpiyansa ng P36,000 para sa pansamantala niyang kalayaan. Unang naaresto si Matt noong October 21, 2012 dahil sa kaparehong kaso at nakalaya pansamantala matapos magpiyansa.

 

Ang misis niyang si Riza Katrina Evans ay nagkaproblema rin last December sa kasong estafa.

 

Sa kanyang IG account, ipinagtanggol naman ni Katrina ang mister. “Sa lahat na nakakakilala talaga kay Matt, alam na hindi totoo ang bali-balita. Hindi lahat ng nababasa o napapanood ay totoo. Sadyang may mga tao lang talagang hindi makontento.

“I love you @matt3vans!! The best husband and father in the world!! I could not ask for more!! #NoToFakeNews— FYI: 2012 pa sila huli nagkita. wag mali mali ang binabalita at wag agad manghusga.”

Sa panig naman ni Matt, sa kanyang IG post ay nagpahayag ito ng pasasalamat sa suporta ni Katrina sa kanya sa kabila ng mga pinagdaraanan ng kanilang pamilya. “Nagpapasalamat ako sa Diyos na ikaw napangasawa ko. At nagpapasalamat ako na binigyan mo ako ng tatlong anghel na mahal na mahal ko.

“Anuman pagsubok dumating sa buhay natin, lalaban tayo. Alam ng Diyos at mga taong nakakakilala sa atin ang totoo.”

Isa si Matt sa mga actor na nakilala ko na likas na mabait, simple at tahimik, bukod pa sa very accommodating siya sa press. Kaya wish namin kay Matt na malagpasan na niya ito at matapos na ang mga pagsubok na kinakaharap ngayon.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …