MULING nagpositibo si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa COVID-19 matapos sumailalim sa isang swab test.
Lahat ng mga dadalo sa State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Rodrigo Duterte ay kailangang sumailalim sa COVID-19 test.
Dahil dito, hindi na dumalo si Zubiri sa SONA sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Nauna rito dumaan si Zubiri sa tatlong rapid test at pawang negatibo ang resulta ngunit ang huling COVID test na ginawa sa kanya ay nagpositibo.
Dahil dito, personal na nagdesisyon si Zubiri na boluntaryong mag-self quarantine.
Inamin ni Zubiri na wala naman siyang nararamdamang kahit anong sintomas.
Magugunitang dumalo pa si Zubiri, physically sa pagbubukas ng sesyon ng senado.
Tiniyak ni Zubiri magpapatuloy pa rin ang kanyang trabaho at hindi muna dadalo physically kundi mananatili sa kanyang isolation room.
Samantala maging si Senator Win Gatchalian ay hindi na din nakadalo nang personal sa SONA.
Ito ay matapos niyang aminin na nakahalubilo niya sa sendo ang isang COVID-19 patient.
Ngunit tumanggi si Gatchalian na tukuyin kung sino ito, empleyado ba o si Senador Zubiri.
Dahil dito nagdesisyon din si Gatchalian na mag-self quarantine na lamang. (NIÑO ACLAN)