WALANG duda na loyal Kapuso si Dingdong Dantes. Sa mahigit 20 taon niya sa GMA Network, pamilya na ang turing niya sa mga taong nakasama niya.
Aniya, “For me a Kapuso, it means na you’re part of a family, you’re part of the home. Lahat nang ‘to, na-realize ko noong quarantine. Nakapag-reflect ako na halos higit kalahati ng buong buhay ko ay Kapuso ako.”
Dagdag pa ng Descendants of the Sun lead actor, markado na sa buhay niya ang pagiging isang Kapuso. “Lahat ng nakikita ko, kaliwa’t kanan sa bahay, ay resulta at produkto ng pagiging Kapuso. And not to mention, pati ‘yung asawa ko, sa Kapuso Network ko nakilala. Markado na sa buong pagkatao ko ang pagiging Kapuso.”