PROUD mommy si Katrina Halili nang i-post sa kanyang Instagram ang ginawang kanta ng kanyang unica hija na si Katie.
Aniya, “Good mood ata ang baby. Siya raw ang gumawa ng song, kinakanta niya sa akin every night since last week bago ako matulog. Paulit ulit lang yun lyrics, pero nagulat ako sa ginawa nya sa dulo. Love you baby.”
Maging ang followers ni Kat ay humanga sa husay ng anak sa paggawa ng kanta. May nagkomento pa ng, “Ang galing ng anak mo nakakatuwa paulit ulit ko pini-play ‘yung kanta nya.”
Si Katie ang naging bunga ng pagmamahalan nila ng magaling na singer na si Kris Lawrence, kaya hindi na nakapagtatakang may talento sa musika ang kanilang anak.
RATED R
ni Rommel Gonzales