Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
road accident

30 pasahero nakaligtas sa kotse vs PNR train

NAGBANGGAAN ang isang tren ng Philippine National Railways (PNR) at isang kotse na tumatawid sa riles sa Jose Abad Santos Avenue, Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

 

Ayon kay Manila Police District – Abad Santos Station (MPD-PS7) commander P/Lt. Col. Harry Lorenzo, first responder, dakong 4:50 am nagandap ang insidente sa lugar.

 

Sa ulat ni Manila Traffic Enforcement Unit (MDTEU) chief, P/Maj/ Ronaldo Santiago, nanggaling ang tren sa Governor Pascual station sa Malabon patungong Maynila nang mabangga ang isang puting kotse sa Abad Santos Avenue.

 

Nagmula sa Tondo ang kotse na patungong Blumentritt nang makasalpukan ang tren.

 

Nabatid  kay Joseline Geronimo, tagapagsalita ng PNR, walang nasugatan sa insidente maging ang 30 pasaherong sakay ng tren na agad umanong nailipat sa ibang tren.

 

Nabatid, pinilit umano ng kotse na tumawid sa riles kahit may paparating na tren.

 

Pasado 6:30 am nang maialis sa riles ang naaksidenteng tren at kotse. (BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …