NAKATAKDA ngayong araw ang pagsagawa ang City Health Department ng mass testing sa hanay ng Malabon City Police sa PNP Catmon Station.
Nasa 200 pulis na hinati sa tatlong batch ang sumailalim sa rapid test para sa COVID-19.
Inaasahang malalaman ang resulta bukas.
Bilang frontline warriors, ang pulisya ang nagbabantay sa national at city boundaries, bukod pa sa pagsugpo ng kriminalidad.
Ang mass testing sa frontline warriors ay isang hakbang upang masiguro na walang nahawaan at ligtas sa COVID-19 ang mga katuwang natin sa pagbibigay ng serbisyo sa publiko.
Sa ilalim ng Malabon City COVID-19 Anti-Discrimination Ordinance, mahigpit na ipinagbabawal ang kahit anong uri ng diskriminasyon laban sa lahat ng frontliners.
Ang sinomang mapatunayang lumabag ay mabibigyan ng karampatang parusa gaya ng multa at pagkakakulong. (ROMMEL SALES)