Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Ilegal na POGO sa mga hotel namamayagpag pa rin (PH kahit nasa ilalim ng ECQ)

HINDI na tayo nagugulat na habang nasa ilalim ng enhanced community quirantine (ECQ) ay patuloy ang operasyon ng mga illegal Philippine offshore gaming operation (Pogo).

Gaya ng insidente sa Las Piñas City na 265 Chinese nationals ang nahuli sa isang hotel na ginagamit nilang Pogo hub, kamakailan.

At dahil walang kliyente ang nasabing hotel sa panahon ng ECQ, normal na tanggapin nila ang ‘nakapaglalaway’ na renta ng mga POGO — kahit na ilegal  pa ‘yan,

Heto lang naman ang violations sa ilalim ng ECQ, Sec. 2 (7) of the Inter-Agency Task Force Resolution No. 30-A series of 2020 na nagbabawal sa mass gatherings.

Heto ang imbentaryo ng mga nakuha ng mga humuling pulis: 110 laptop computers, 467 cell phones, 251 Chinese passports, internet and WiFi connection devices, dalawang counting machines, at cash na P6.46 milyon.

Petmalu!

E ‘di ba’t halos isang linggo pa lang ang nakalilipas nang payagan ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) ang POGO na unti-unting magbukas ng kanilang operasyon subject to “stringent conditions?”

Ang 265 Chinese nationals ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 11332, at Executive Order No. 112.

Bago ‘yung pagkakadakip sa 265 Chinese nationals, 63 Chinese, at 13 Filipino ang inaresto sa isang condominium unit sa Barangay Olympia sa Makati City, dahil sa ilegal na POGO.

Sa rami ng mga nahuli na ‘yan, lumalabas na hindi naman pala tumigil ang POGO. Mukhang nag-hibernate lang sila sa maliliit na hotel na puwede nilang gamiting hub habang naka-ECQ ang Metro Manila.

O ‘di ba, klarong kumikitang pangkabuhayan ‘yan, para sa mga hindi makapa na illegal POGO ng PAGCOR.

Kumusta po kayo Madam Andrea “Didi” Domingo, hindi ba kayo napaglalalangan ng mga POGO na ‘yan?!

At ngayong natisod ‘yang 265 illegal alien at illegal POGO, ibig sabihin, natsubibo si Madam Didi?!

Ganoon ba ‘yun?

Natsubibo sa panahon ng COVID-19…

Arayku!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *