Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Max at Pancho, gagawing smoothie ang placenta ng anak

AAMININ namin, medyo nawindang kami sa kuwento ng mag-asawang Max Collins at Pancho Magno tungkol sa pag-inom ng inunan o placenta ng batang bagong panganak.

Puwede pala itong gawing smoothie o shake (as in tila fruit shake) at inumin.

Sa Zoom interview namin kina Max at Pancho na inayos ng GMA Network, y nagkuwento ang mag-asawa tungkol dito.

Ayon kay Pancho, ‘Yung placenta kasi is ‘yung bahay ni baby. ‘Yung placenta niya, andoon lahat ng nutrients from the mom, sa katawan niya.

“So ang gagawin, ida-dry, pwedeng i-shake siya, puwedeng haluan ng peanut butter, strawberries, and milk tapos iinumin niya.”

 Sinabi naman ni Max na, “I think half, I’ll do the placenta smoothie and then half ‘yung encapsulated.”

Ang pag-inom ng placenta smoothies raw, ayon pa rin kay Max, ay may nutritional and amazing benefits at malaki ang naitutulong para maibsan o mawala ang post-natal depression.

“It gives back the nutrients sa mom kasi maraming nawawala, ‘di ba, after giving birth. And that’s why they get postpartum depression.”

 Dagdag na sinabi naman ni Pancho na, “It’s physically and mentally draining for the mom kasi parang feeling nila, nawala ‘yun sa part ng katawan nila kaya sila nade-depress or nato-trauma sila.

“Na may nawalang nutrients kaya iniinom nila ‘yun, feeling nila, bumabalik lahat.”

Sa tanong namin kay Pancho kung ano ang lasa ng placenta smoothie, “Mini-mix naman nila with strawberries, berries. Lasang milk tea!”

Ready and willing si Pancho na inumin din ang placenta smoothie ni Max.

“Oo! Sabay kami! Cheers!”

 Samantala, bukod sa pagiging Nurse ni Pancho at pagkakaroon na nila ng naka-ready na midwife, malamang maging maayos ang panganganak ni Max sa July sa bahay nila.

“Nag-online class po ako for one month, on gentle birthing and home water birth.

 “So since we kind of know how to go about it, what we need is a pool at home.

“Siyempre may iba pang kailangan, but other than that, we found a doula and a midwife na magfa-facilitate.

“Kasi hindi po ‘yung OB ‘yung magfa-facilitate ng labor. It would be the midwife, and ‘yun lang so far.”

 Ayon sa Wikipedia, ang doula ay, “doula (/ˈduːlə/) is a trained companion who is not a healthcare professional and who supports another individual (the doula’s client) through a significant health-related experience, such as childbirth, etc…”

Pagpapatuloy pa ni Max, “Sa online classes namin, when the doula would explain certain things na hindi ko nage-gets, nage-gets niya kasi Nurse naman siya.

“We talk about like the cutting of the umbilical cord or the placenta, things like that, you know, things that I’m not really aware about, mas alam niya.

“And sa kanya naman, more of the medical perspective from a hospital, as opposed to holistic, which is what we’re doing now with home birth, it’s a holistic practice.

“Pero siya, he tells me the benefits of epidural, kung ano ‘yung iba kong options sa hospital.”

Ayon sa Wikipedia, “An epidural is a procedure that injects a local anaesthetic in to the space around the spinal nerves in your lower back. This anaesthetic usually blocks the pain from labour contractions and during the birth very effectively. With an epidural you can usually move and can push your baby out when you need to.”

Sa ngayon, ayon pa rin kay Max, ay abala sila ni Pancho sa pagkukompleto sa mga kagamitan ng kanilang magiging anak.

“Pinag-usapan namin, by end of this month, dapat kompleto na.

“Slowly kasi ‘yung mga gamit na mayroon na kami like sterilizer, bottles. And then, nakapag-order na kami ng crib and stroller, pero hindi pa kompleto, may mga kulang pa.

“And the baby will be sleeping with us naman, sa kuwarto namin.”

 

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …