Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Eskema ng Meralco sa panahon ng ECQ iregular, immoral at panlalansi sa consumers

HARAP-HARAPAN kung mangholdap ang Meralco.

Ito ‘yung klase na para kang nabudol-budol ng mga ‘manggagantsong’ magara pa ang porma kaysa biktima nila.

Hindi na mabilang kung ilan ang umaaray ngayon sa ‘eskemang’ ipinain ng Meralco sa kanilang mga kliyente sa panahon na walang magawa ang mga mamamayan dahil bawal ang maraming bagay alang-alang sa kaligtasang pangkalusugan bunsod nga ng pandemyang coronavirus (COVID-19).

Kahit saang anggulo tingnan, klaro ang panggogoyo ng Meralco, gamit ang “method of averaging” sa sinasabing huling tatlong buwan na konsumo natin bago mag-ECQ.

         Gamit ang nasabing eskema, kinuha ng Meralco ang last three electric bills natin (Halimbawa: Mula 21 Nobyembre 2019 hanggang 20 Pebrero 2019), pinagsama, saka hinati sa  tatlo.

Presto!

‘Yun ang bill para sa 21 Pebrero hanggang 20 Marso 2020.

Parang inulit ‘yung mga nabayaran na natin at hinati sa tatlo, kaya puwede na naman nila tayong singilin mula sa mga bills na nabayaran na natin.

Bakit ganoon ang ginawang eskima ng Meralco?! Katuwiran nga nila, wala silang mga tao para mag-reading ng metro dahil nga sa ECQ.

So parang magpitik-bulag na lang tayo.

Kaya kung mataas ang konsumo natin sa koryente sa nasabing huling tatlong buwan bago mag-ECQ — asahan na nating mas mataas ang babayaran natin para 21 Pebrero hanggang 20 Marso 2020.

Bakit ‘ika n’yo?!

Aba kung umangal na tayo riyan sa ginamitan nila ng method of averaging dahil feeling natin ay agrabyadong-agrabyado tayo, mas lalo tayong aangal sa susunod na bill natin.

Bakit?!

Kasi nga, dahil hindi sila nag-reading sa loob ng tatlong buwan, mag-iimbudo ang buong konsumo natin mula 21 Pebrero hanggang 20 Mayo 2020.

Ibig sabihin, ang huling reading na ginawa nila ay para sa konsumong 21 Enero hanggang 20 Pebrero 2020 pa.

Kaya ang bubulaga sa atin para sa billing period na 21 Marso – 20 Abril 2020 ay ang konsumo natin mula 21 Marso hanggang 20 Mayo.

Ibig sabihin, dalawang buwang mahigit ‘yun o halos ilang araw na lang, tatlong buwan na konsumo na ang reading ng Meralco at ‘yun ang magiging bill natin.

Kung in good faith ang Meralco, hindi na nila dapat hinati ‘yung huling tatlong buwan na pinagkuhaan nila ng konsumo natin para sa 21 Pebrero hanggang 20 Marso, kasi nga binayaran na natin ‘yun.

Ang dapat na maging kuwentada nila, ‘yung panahon na hindi sila nakapag-reading , halimbawa ay March to April, April to May, at May to June.

‘Yung total reading nila sa mga panahon na ito, bale tatlong buwan ‘yan, ‘yun ang i-divide nila sa tatlo at iyon na ang magiging final bill.

Sana naman ay gawin na ninyo ‘yan, kaysa naman ipatawag pa kayo sa Kamara dahil gusto na kayong paimbestigahan ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA)  Party-list and House Committee on Energy Vice-Chair Rep. Jericho Nograles.

Hindi ba’t hinihingian na nila ang Meralco ng detalyadong eksplanasyon kung bakit doble o triple ang bill ng koryente?

Ani Rep. Jericho, “Meralco needs to properly explain in detail what prompted the spike… power cost should even go down at this point because of the continued decrease of oil prices in the world market.”

“There’s a brewing concern that’s been hot in the internet regarding issues and complaints on the spiking reading and billings, I would like to advise you to send our information to the committee as well as to the public to answer these comments and at least you can address that,” ani Nograles.

O ‘di ba?

Klaro pa sa sikat ng araw na ang eskema ng Meralco — ay hold-up sa mamamayang Filipino in broad daylight.

Meralco, explain!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *