MAPAPANOOD na sa Dominican Republic ang hit GMA primetime series na Someone To Watch Over Me simula Mayo 21. Pinagbibidahan ito nina Lovi Poe, Max Collins, at Tom Rodriguez.
No Me Olvides ang magiging titulo ng serye kapag ipinalabas na sa Dominican. Dahil sa magandang balita, nag-post si Lovi ng throwback photo niya kasama si Tom.
Aniya, “Que lo que, DR? Are you ready for #NoMeOlvides??! Remember this guys? It’s been four years since I portrayed Joanna in #SomeoneToWatchOverMe, yet it’s one of my most memorable projects. I’m glad this will be shown in the Dominican Republic starting May 21st every 4pm at Color Vision Canal 9.”
Ang kuwento ng serye ay ukol sa walang hanggang pagmamahal ni Joanna (Lovi) sa asawang si TJ (Tom) na maysakit na early-onset Alzheimer’s disease. Dahil sa sakit ng asawa, kailangan magsakripisyo ni Joanna kahit pa muling bumalik sa kanilang buhay ang ex-girlfriend ni TJ na si Irene (Max).
RATED R
ni Rommel Gonzales