Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Nagbanta kay Duterte timbog agad, online basher ni VP Leni, at-large

MABILIS pa sa alas-kuwatro nang dakpin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 25-anyos  lalaking guro na nag-post sa kanyang Twitter na magbibigay siya ng P50-million reward sa taong papatay kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi akalain ng ‘nagbanta’ na agad siyang matutunton ng mga awtoridad kaya hayun, dinakip na ng National Bureau of Investigation (NBI) Dagupan District Office — ang teacher na kinilalang si Ronnel Mas — nitong Lunes.

Siyempre, dahil may ebidensiya na umano ang NBI at inaresto siya nang walang warrant, agad nang isinalang sa inquest proceeding ang teacher.

Ayon kay NBI Dagupan Chief Rizaldy Jaymalin, nahaharap si Mas sa mga kasong inciting to sedition related to cybercrime, at violation of Republic Act No. 6713 (Code of Conduct and Ethical Stanfards for Public Officials and Employees) dahil siya ay isang public school teacher.

Humingi ng ‘sorry’ si Mas kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ngumangalngal sa paghingi ng sorry.

Sabi niya: “Nagso-sorry po ako kay President Rodrigo Duterte. Hindi ko po intensyon ‘yun.”

Dagdag ni Mas, “‘Yung tweet na ‘yun kumbaga saloobin ko lang kaso walang pumapansin, kaya nagawa ko ‘yun. Wrong move po.”

Bilib naman tayo sa NBI. Napakabilis umaksiyon.

Pero may isang malaking bakit. Bakit kapag si Vice President Leni Robredo ang pinagbabantaan sa social media ‘e hindi naman natin nababalitaan  na mabilis pa sa alas-kuwatro kung umaksiyon ang NBI?!

Mayroon bang tinitingnan o tinititigan ang NBI?!

Taong 2016 pa lang ay nakatatanggap na ng pagbabanta sa buhay ang Bise Presidente ng bansa, pero hindi natin nabalitaan na may nahuli sa mga nagbabanta sa buhay ni VP Leni.

Hindi ba’t may panahon na napilitang maghigpit ng seguridad sa tanggapan ni VP Leni dahil sa mga pagbabanta sa kanyang buhay?

At ngayon nga, isang public school teacher na taga-Sta. Cruz, Zambales ang nasampolan — pero hindi kay VP Leni — kundi kay Pangulong Duterte.

Hindi yata naiintindihan ng mga gustong magsipsip sa Presidente na lalong napapasama ang “image” ng Pangulo dahil sa sistemang kagaya niyan.

Kung umaksiyon noon ang mga awtoridad sa kaso ni VP Leni, hindi sana ‘nakulayan’ ang pag-aresto nila ngayon sa ‘P50-million bounty’ against the life of President Duterte.

Hindi naman natin sinasabi na huwag arestohin, ang sinasabi lang natin, huwag mag-double standard ang pagkilala nila sa katarungan lalo’t buhay ang pinag-uusapan dito.

Sana, huwag kalimutan ng NBI na may iba pang matataas na opisyal na nangangailangan ng aksiyon nila — aksiyong simbilis ng kidlat.

‘Yun lang po.

BARANGAY MARULAS
RESIDENTS
SA VALENZUELA
MAY HINAING
SA DILG, DSWD

MAGANDANG araw Sir Jerry, sa pamamagitan ng inyong kolum ay nais sana humingi ng tulong sa DILG at maging sa tanggapan na rin ng DSWD ng ilang mamamayan sa Barangay Marulas, lungsod ng Valenzuela patungkol sa naganap na Social Amelioration Program ng DSWD.

Sila ho ay lumapit na at humarap sa tanggapan ng mga Barangay Officials nitong nagdaang Lunes. Ayon sa ilang mga nakausap ko ay nais lamang nilang humingi ng tulong sa pamamagitan ng mga nasa Barangay (Officials) na makausap sila upang magabayan sa kanilang mga katanungan upang maiparating sa DSWD, subalit nabigo sila no’ng Lunes na pinagpabalik-balik sa tanggapan na nasa Donya Ata at 3S Center na sa bandang huli ay wala silang natanggap na tulong dahil pinaalis sila ng mga pulis na nasa parehong lugar.

Ang kanila lamang nais iparating ngayon sa DILG at DSWD ay ang mga sumusunod:

  • Ano ang pinaka naging basehan nila (DSWD) sa pagpili ng makatatangap? Mayroon kasing mga nakatanggap na mas higit pa sa nangangailangan at mayroon din na mahigit isang taon nang hindi nakatira sa sakop ng Barangay Marulas na nakatanggap pa.
  • Saan at paano makukuha iyong mga nakasama sa ikaanim na batch dahil nag-iba ng venue ?
  • Nasaan ang ikapitong batch na inaasahan na listahan upang makompleto ang kabuuang bilang para sa Barangay Marulas? (If ever ?)
  • Ilan nga ba ang tunay na bilang na dapat makatanggap ng Amelioration sa Barangay Marulas (Valenzuela City)?

Kaya naging isa at huling matinding katanungan

iyan ay dahil may isang kagawad ng Barangay ang nakapagbalita na: “Huwag munang mag-alala dahil may 5,000 pamilya pa ang mabibigyan base sa pakikipagpulong nilang mga barangay officials at DSWD (dapat may minutes of meeting iyan).

Nakarating ang balitang iyan bago lumabas ang pangatlong batch sa Facebook account ng “Barangay Marulas Valenzuela City” at lalong lumakas pa ang kalooban no’ng ilan dahil nabanggit din iyan ng DSWD Personel na nag-iikot at namimigay ng “Paanyaya” sa mga bahay na naaprobahan.

Sabi niya simula Batch 3 ay limang libong pamilya pa ang makapapasok kaya may mga lalabas pa sa listahan, kaya nagsimulang iawas-awas nila paunti-unti ang bawat kabuuang bilang na lumabas simula 3rd batch.

Dumating ang pamimigay ng taga-DSWD para sa 6th Batch at habang namimigay siya ng “Paanyaya” ay nabanggit niya na may isang batch pa kaya iyan iyong ika-pitong batch na hinahanap.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *