Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Nasaan ka OWWA? Kinuwarantinang OFWs pinabayaan na (Hans Cacdac puro dakdak sa media)

INIULAT kahapon na mayroong 373 overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Singapore at Japan ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 sakay ng tatlong magkahiwalay na commercial flights.

Ang unang dumating, ang Jetstar Asia flight 3K 761 mula sa Singapore sakay ang 147 OFWs na karamihan ay mga kababaihan kabilang ang limang buntis, take note lang po Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) chief, Hans Leo Cacdac, limang buntis po, nagdadalangtao na inaasahang manganganak sa susunod na buwan.

Kasunod na dumating ang Singapore Airlines flight SQ 910 sakay ang 194 OFWs na sinundan ng Japan Airlines flight JAL 741 mula sa Narita, Japan na may dalang 32 pasahero.

Bilang protocol sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ), ang 373 OFWs ay sumailalim sa swab testing matapos makolekta ng mga tauhan ng Bureau of Quarantine (BOQ) ang yellow health card na naglalaman ng mahahalagang impormasyon ng bawat pasahero.

Kasunod nito, dumaan sila sa mga counter ng Bureau of Immigration (BI) para sa stamping ng kanilang mga pasaporte bago sila itutuloy sa mga hotel habang hinihintay ang resulta kung sila ba ay negatibo o positibo sa COVID-19.

Maghihintay pa sila ng tatlo o limang araw bago makuha ang Quarantine certificate bago sila papayagang makauwi sa kanilang pamilya habang ang mga nagpositibo kung mayroon ay dadalhin sa Quarantine facility.

Ganyan po dapat ang mangyari. Sana’ty magkatotoo ito sa 373 OFWs na bagong dating kahapon.

And speaking of OFWs na dinala sa mga hotel,  para hinatayin ang resulta ng kanilang swab test nang sa gayon ay mabigyan sila ng clearance o quarantine certificate, kumusta na po sila OWWA chief Hans Cacdac?!

Nabisita na ba ninyo sila?! Ano na po ba ang resulta ng swab test nila?!

Baka po hindi pa ninyo alam, OWWA administrator Hans Cacdac, Sir, wala na po silang makain doon sa mga hotel na pinagdalhan ninyo sa kanila.

Kasi po, mula nang ihatid ninyo sila sa mga hotel na ‘yan, lampas na po ang 14 araw, hindi na ninyo sila binalikan.

Kung anong ‘ningning’ at tila punong-puno ng malasakit na ipinakita ninyo sa ating mga OFWs na bagong bayani ng panahon nang sunduin sila sa Airport, e siya namang  pagkakasadlak nila ngayon sa ‘kuwarantinang’ tila papatay sa kanila.

Iniwan ninyo sila sa nasabing mga hotel at sinabing, “huwag kayo mag-alala, tatawagan at imo-monitor namin kayo.”

“Hello, Mr. Cacdac! Anong petsa na?! Bakit hindi pa ninyo kami binabalikan?! Wala na kaming makain at wala namang nagdadala ng pagkain namin dito. Buti na lang at may cellphone na ngayon at natawagan namin ang mga kamag-anak namin para dalhan kami ng pagkain! Pero ECQ nga po. Hindi na sila pinalalabas. Wala na rin po silang panggastos dahil no work no pay sila pero hindi kasama sa mga bibigyan ng ayuda galing sa SAP.”

‘Yan po ang nanggagalaiting mensahe ng OFWs, Mr. OWWA administrator Hans Cacdac.

Panay daw ang dakdak n’yo sa media pero wala naman kayong maipakitang pruweba na pinagmamalasakitan ninyo ang mga OFW.

Aba, higit 14 araw na nga ‘e, hanggang ngayon hindi pa nila alam kung positibo ba sila o negatibo sa COVID-19.

Ano na nga ba ang resulta Mr. dakdak este Cacdac, para naman sila’y makauwi na sa kanilang pamilya.

Isa pang tanong, Mr. Cacdac, ganyan din ba ang gagawin ninyo sa 373 bagong dating na OFWs mula sa Singapore at Japan na kinabibilangan ng limang buntis na anomang oras ay puwedeng manganak ngayon?!

Mr. Cacdac, ito ang panahon para ipakita mo ang tunay na malasakit sa OFWs. Huwag abang nang abang sa remittances, buwis at iba pang napapakinabang sa kanila ng OWWA.

Mahalin at pagsilbihan n’yo naman ang OFWs lalo ngayong panahon ng pandemya!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *