Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan

Bagong Barrio sa Caloocan City total lockdown

MATAPOS ang naitalang mataas na kompirmadong kaso ng COVID-19, isang barangay sa Caloocan City ang isailalim sa total lockdown ngayong 13-15 Mayo, ayon kay Mayor Oscar “Oca” Malapitan, kahapon.

 

Inaasahang magsagawa ang alkalde ng ocular inspection sa Barangay 156 na may higit 5, 700 residente bago ang pagpapatupad ng total lockdown matapos ang naitalang 25 positibong kaso sa lugar, ang pinakamataas na bilang sa 188 na barangay sa lungsod.

 

“I am meeting with the concerned city and barangay officials along with the police to ensure the smooth flow of implementation of the total lockdown for the next 48 hours in Barangay 156,” ani Malapitan.

 

Sinabi ng alkalde, tanging health frontliners at essential workers ang papayagang lumabas ganoon din ang mga residente na mayroong emergency cases.

 

Kanselado ang mga quarantine pass ng mga residente sa naturang barangay at tanging mga opisyal ng barangay ang pinahihintulutan, kasama ang pulisya sa pagpapanatili ng kaayusan habang nasa ilalim ng total lockdown.

 

Tiniyak ng punong ehekutibo ng lungsod na ang mga food packs ay sapat na maibibigay sa mga apektadong residente dahil walang papayagan, kahit isa, na gumala at aarestohin ng mga pulis ang mga lalabag.

 

Habang naka-lockdown, ang mga tauhan ng Health Department ng lungsod ay sasamantalahin ang oras upang magsagawa ng massive swab testing at contact tracings sa lugar.

 

Ang Caloocan ay may 299 kompirmadong kaso ng COVID-19. (ROMMEL SALES)

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …