Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Frontliner na si APD Insp. Jess Ducusin kinaiinggitan nga ba?

MARAMI ang nalulungkot sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa hindi magandang balitang natanggap nila nitong nakaraang weekend.

Ito ang pag-pull-out kay Airport Police Insp. Jesus “Jess” Ducusin sa Screening and Surveillance Department saka itinalaga (o na-freeze) sa Manila International Airport Authority – AGMSES office.

Hindi natin alam kung ano ang dahilan pero batay sa OAGMSES Order No. 10 (Relief/Reassignment) nitong nakaraang 07 Mayo 2020, ganito ang sinasabi  — “In the exigency of the service, APINSP Jesus N. Ducusin is hereby relieved from his present assignment at the Screening and  Surveillance Department and transferred to the Office of the AGMSES effective 07 May 2020.”

Pirmado ang nasabing Order ni ret. AFP Gen. Romeo Labrador.

Marami po talaga ang nagtaka kung bakit biglang inilipat sa AGMSES office si APInsp. Ducusin dahil unang-una, malaki ang naitutulong niya sa mga kasamahang dumaraing dahil hindi nakatatanggap ng ayuda — kahit man lang sa simpleng face mask at iba pang protective gear na kailangan ng mga frontliner na gaya nila.

        Ultimong kakainin na lang ni APInsp. Ducusin ay ibabahagi pa niya sa mga kasamahan na kinakapos dahil nga sa limitasyon sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) na sa 15 Mayo ay halos dalawang buwan na.

        At dahil nasa Metro Manila, mukhang mae-extend pa ang ECQ.

        Kakaiba rin talaga ang ipinakitang liderato ni APInsp. Ducusin dahil nagawa niyang hikayatin ang mga kasamahan, kaibigan at siguro mga kaanak na magbahagi para maitulong sa mga kapos na frontliners na halos walang masulingan dahil lahat nga ay naka-quarantine.

        Ang daming naging proud sa ginawa ni APInsp. Ducusin, kasi nga ibang klase ang ipinakikita niyang malasakit.

        Pero mukhang hindi ito nagustohan ng ilang bossing. Feeling daw ng makukupad na bossing, sinasapawan sila ni APInsp. Ducusin.

        OMG!

        E kung gusto pala ninyong bida kayo dapat hindi na kayo nag-dilly-dally sa pagtulong at pag-aasikaso sa mga sarili ninyong tauhan.

        Ang siste, hindi raw alam ng mga tao ninyo, kung na-quarantine ba kayo? O kusang nag-hibernate para umiwas sa ‘sakit ng ulo’ sakaling humingi sila ng tulong?!

        Alin lang sa dalawa, mga bossing.

        Imbes na maging proud kayo sa efforts ng mga tao ninyo, e parang nanaghili pa kayo sa bilis nilang kumilos at umaksiyon para sa mga kasamahan sa trabaho.

        Ilang beses ba kayong namahagi ng PPE, mga bossing?! Este… namahagi ba talaga kayo ng PPE? Baka naman press release lang ‘yan?!

        Ay sus!

        Ayon sa mga empleyado, “‘Yung TM1 opis nga na may flights, isang beses lang nabigyan ng masks, noong Marso pa ‘yun ha. Nasundan naman daw kamakailan lang, nabigyan ng dalawang  box pero binawi rin kinabukasan dahil ipinadala sa T2.

Bwahahahah!

Ang nangyari tuloy, sa iba pa nanghingi ng face masks ‘yung Terminal 1.

Hay naku… ano nga ang tawag sa ganyan?!

Crab mentality ba?!

Aba ‘e kung iiral ‘yang crab mentality sa hanay ng mga taga-airport, e paanong makarerekober nang mabilis pagkatapos ng ECQ?!

Ganyan ba talaga ang mentalidad ng ibang opisyal sa NAIA ngayon?

Damned if you do, damned if you don’t…

Tsk tsk tsk.  

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *