Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

POGOs ‘pinapuga’ sa enhanced community quarantine (ECQ)

BUKOD sa mga Authorized Persons Outside Residence/s (APOR) sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ), pumayag rin ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na ‘papugain’ o pinayagang mag-operate ang Philippine offshore gaming operators (POGOs) kahit nga aligaga pa ang buong bansa laban sa pandemyang coronavirus (COVID-19).

Sa totoo lang, sa pagbubukas ng POGO, si Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairperson Andrea Domingo ang isa sa magiging pinakamasayang tao sa Filipinas.

Bakit hindi? E siya ang nag-lobby sa government officials na payagan nang magbukas ang POGO.

At para makombinsi ang mga kausap niya, sinabi niyang ang kikitain sa POGO ay magiging “significant source of funds” ng gobyerno para tugunan ang pandemyang COVID-19.

“Essential ito kasi we need revenues. Revenue-generating. Employment-generating. But with no threat in spreading COVID-19,” sabi ni Madam Andrea sa interview sa CNN Philippines.

“Lahat ng proceeds na kikitain ng BPOs na galing sa POGO ay ilalaan, 100 percent, dito sa gastusin related sa COVID-19,” sabi naman ni Secretary Harry Roque na parang lorong inulit ang sinabi ni Madam Andrea.

At para magkaroon ng justification, inilinaw ni Spox Harry na ‘yung  mga compliant POGOs lang ang papayagan na muling mag-operate.

Kaya nga raw inatasan ang PAGCOR at ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na tiyakin kung compliance sa tax requirements bago bigyan ng permisong mag-back to business.

“Kaya nga kami hindi namin papayagan mag-resume ng operation sinoman na hindi cinertify ng BIR na paid up lahat ng taxes nila as of March 2020 at sila ay registered sa BIR. So we are coordinating with BIR very closely. That is included in our requirements.”

Ganyan kakompiyansa si Madam Andrea sa pagtitiyak na magbabayad ng buwis ang POGOs bago makapagbukas muli.

Harinawa!

Kung hindi tayo nagkakamali, ang sabi ng BIR, ₱27 bilyones ang hindi pa nababayarang buwis ng POGO sector.

Noong una, pinayagan umano ng IATF na mag-operate ang POGOs kasi part sila ng business process outsourcing (BPO) sector, na pinayagang magbukas sa ilalim ng bagong quarantine rules.

Sabi ni Spox Roque sa media briefing, “Ang BPOs po ay ina-allow. Ang POGO po talaga ay BPO.”

Pero marami ang tumutol dito.

Ang BPOs ay direktang nag-eempleyo ng 1.3 milyong fulltime Filipino workers noong isang taon pero ang POGO, karamihan ng staff nila ay dayuhan.

Siyempre, kasi ang mga kliyente nila ay mga kababayan rin nilang Chinese. Sila lang ang magkakaintindihan nang mabilis.

In terms of revenues, ang kinita ng POGOs ay hindi bahagi ng $26.3 bilyong kinita ng BPO firms sa ilalim ng IBPAP last year.

O, e di ang laking pagkakaiba ‘di ba? Hindi BPO ang POGOs. Dapat klaro ‘yun.

Heto pa ang dilemma riyan, dahil hindi naman BPO ang POGO at malinaw na online gaming ito, malamang hindi pumayag ang mga casino na hindi rin sila magbukas?!

E ‘di ang saya-saya? Bakit hindi na lang buksan lahat?!

Ang masasabi lang natin, makatutulong ‘yung POGO, kung 100 percent na naipapasok ang kinikita diyan sa kaban ng bayan.

E paano kung mas marami ang napupunta sa bulsa ng may bulsa kaysa kaban ng bayan?!

Papayag ba si Pangulong Digong niyan?

Kumbaga sa preso, ‘yang POGO sa panahon  ng ECQ, ‘e parang notoryus na pugante na pinapuga ng mismong mga tagabantay niya — nang may kapalit.

O kuha n’yo?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *