Saturday , December 21 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Iskwater’ sa ‘Manotok Subdivision’ iniligwak sa ayudang SAP ng DSWD

INILIGWAK sa Social Amelioration Program (SAP) ang mga residente sa dating Manotok Subdivision sa Tondo, Maynila na ngayon ay nasasakop ng Barangay 184 Zone 16, Tondo, Maynila.

Ang Barangay 184 Zone 16, Tondo, Manila, ay area of responsibility (AOR) ni Barangay Chairperson Delia Rodriquez.

Umalma ang mga residenteng naninirahan sa nasabing   lugar dahil hindi man lang sila pinaliwanagan ng kanilang barangay tungkol sa SAP, ang ayudang ibinibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil hindi sila nakatanggap nito.

Nang uriratin nila kung bakit hindi sila binigyan ng SAP o ayuda ng DSWD, sinabing ‘rejected’ daw ang kanilang lugar dahil ikinokonsidera umano silang middle class barangay.

Ano kaya ang basehan kung bakit ikinokonsidera silang middle class barangay?! Mga sosyalin kaya silang pumorma? Mukha ba silang ‘rich’ dahil nagtatrabaho sila at signature shoeas and bags ang gamit nila? May car o motorcycle ba sila?

Hindi ba sapat na ang lugar ay ‘squatter area’ at kung ang nakatira roon ay middle class families  magtitiis ba silang tumira roon sa mahabang panahon?

Pero ang higit na kuwestiyonable rito, mula sa simula ng proseso ay hindi sila binigyan ng pagkakataon dahil hindi man lang sila hinayaang makapag-fill-up ng Social Amelioration Card (SAC) form.

Para sa kabatiran ng DSWD, sinasabi ng mga residente sa nasabing lugar na sila ay ‘isang kahig, isang tuka.’ Ibig sabihin kung hindi sila kakahig sa loob ng isang araw, wala rin silang tutukain sa susunod na araw.

At dahil mahigit isang buwan na ang enhanced community quarantine (ECQ) marami sa kanila ang nawalan talaga ng kabuhayan o pagkakakitaan.

Kung wala silang hanapbuhay, ano ang kakainin nila?! Ganyan ba ang sinasabing middle class family?!

Arayku!

Kaya naman nang mabalitaan nila na magbibigay ng ayuda ang gobyerno sa pamamagitan ng SAP ng DSWD,  laking tuwa ng magkakapitbahay na umasang magkakaroon sila ng ayuda o pera.

Pero nauwi sa kalungkutan ang kanilang pag-asang makakuha ng P5,000 o P8,000. Bigong-bigo sila dahil

walang dumating na tulong ang DSWD.

Ano nga’ng hihintayn nila mula sa DSWD, e hindi nga sila pinapirma sa SAC form.

Ang alam natin pantay-pantay ang dapat ipakita sa mahihirap na naghihikahos sa kanilang buhay lalo’t hindi biro ang pandemyang coronavirus o

COVID-19 na nanalanta sa buong mundo ngayon.

Ano kaya ang dapat gawin dito ng DSWD?

Sinabi ng mga residente na gusto nilang kausapin si Chairman para alamin kung bakit hindi sila tinulungan ng DSWD para bigyan ng ayuda, pero wala umano siya sa barangay noong pumunta ang mga taga-iskuwater area.

Sina alyas Upeng at alays Lyza umano ang nasa barangay kaya sila ang natanong kung bakit hindi sila kasama sa ayuda ng DSWD.

Ang sagot umano ng dalawa: rejected sila porke ikinokonsidera silang ‘middle class’ ng kanilang barangay.

Paging DSWD Secretary Roando Joselito Bautista, pakiimbestigahan lang po kung bakit may ganitong insidente sa Barangay 184 Zone 16, Tondo, Maynila.

Hihintayin po namin ‘yan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *