Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

QC barangay officials ‘saksakan’ sa pagiging ‘OA’

MUKHANG kailangan ng “professional help” ng Mayor’s Task Force Disiplina at ng barangay officials sa Barangay South Triangle sa Quezon City.

Hindi natin akalain na mailabas nila ang ‘berdugo’ sa kanilang mga pagkatao dahil sa isang ‘pasaway’ na vendor na kung tutuusin ay simple lang ang pinagmulan — walang suot na facemask.

Naitanong kaya muna no’ng mga barangay kagawad kung bakit walang suot na facemask ang nasabing vendor?

Palagay natin e hindi nila nakausap kaya hindi nila nalaman na ‘yung tao ‘e hindi na makabalik sa kanila kaya nagtitiyagang manirahan sa bangketa.

Gumawa ng maliit na sistema na makapagtinda ng isda para kumita, pero nabugbog siya.

E kung ang ginawa ng barangay ‘e binigyan ng face mask ‘yung vendor at kinausap maigi kung ano ang problema niya, e di hindi sana nauwi sa bugbugan.

At ‘yun ang ipinagtataka natin, bakit kailangang bugbugin ‘yung vendor, pagsalikupan na parang kriminal, at binuhat na parang baboy saka inihagis sa sasakyan.

Bakit kailangan manakit ng barangay officials o ng Task Force Disiplina ng QC Office of the Mayor gayong hindi kriminal ang gusto nilang ‘disiplinahin.’

Samantala sa holdaper, kapag natutukan ng kutsilyo o baril, magpapasalamat pa kapag kinuha lang ang bag, wallet, o cellphone at hindi sila pinatay.

Itong isang vendor na nagsisikap sumistema kahit paano para makakain sa legal na pamamaraan, binugbog at ikinulong.

At ang rason may diperensiya raw sa pag-iisip at may nagsabi pang adik.

Gasgas man ang litanyang mahirap maging dukha sa bansang gaya ng Filipinas, pero sa totoo lang, ganoon at ganoon ang nangyayari sa panahon ng kagipitan.

Kaya naitatanong natin, hindi kaya kailangan na talaga ng “professional help” ng mga ganyang klase ng tao kasi nakapadali sa kanilang manakit ng kapwa?

Binigyan sila ng pagkakataong maging awtoridad, dahil inakala na kaya nilang magpatupad ng mga patakaran na may mataas na pagpapahalaga sa humanidad pero sa simpleng pagkakamali na walang face mask ‘e parang handang-handa silang makapatay ng kapwa tao?

Mayora Joy Belmonte, ‘overacting’ sa kabila pa ng ‘ka-overacting-an’ ang mga tao ninyo.

Para silang mga bastonerong, bago-bago pa lang nakahahawak ng baston at gigil na gigil ihampas sa kung sinong nakahambalang sa kanilang daraanan.

Ilang beses silang sinaway ng mga residente sa nasabing lugar pero parang nagtaingang-kawali lang sila.

Sana nama’y mapatawan ng karampatang parusa ang mga nanakit sa nasabing vendor.

Maraming salamat sa mga residente sa Panay Avenue, Barangay South Triangle na nagtulong-tulong upang mailabas sa detention cell ang vendor.

Sabi nga, there are good hearts after all.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *