TULAD ng kanyang karakter sa Magkaagaw, isang huwarang ina sa tunay na buhay si Kapuso actress Sunshine Dizon sa kanyang dalawang anak na sina Doreen at Anton.
Hindi alintana para kay Sunshine ang ipinatupad na enhanced community quarantine para ipagdiwang ang ika-9 na kaarawan ng unica hija na si Doreen. Ibinahagi ng former Ika-6 Na Utos star sa Instagram ang simpleng party nila para kay Doreen.
“Asalto for my baby love, my forever China doll, my one and only Sunshine girl, and my first born @doreenisabeltan,” ani ni Sunshine sa kanyang sweet Instagram picture ng anak na may hawak-hawak na cake. Samantala, habang hindi muna napapanood ang Magkaagaw sa GMA Afternoon Prime, napapanood si Sunshine sa rerun ng Ika-6 Na Utos pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA-7.
Rated R
ni Rommel Gonzales