Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Pulis o barangay officials dapat maging magaling sa pagmamando sa Checkpoints

SA PANAHON ngayon napakaimportante ng maayos at mabuting asal ng isang tao.

        Partikular na ipinatutungkol natin ito sa mga nakatalaga o nagmamando ng enhanced community quarantine (ECQ) checkpoints.

        Iba ang kondisyon ng kaisipan ng mga mamamayan ngayon dahil lagi ngang nasa loob ng bahay. Limitado ang kilos.

Mapalad ang mayroong mga pinagkakaabalahan sa loob ng bahay pero alam nating minsan ay humahantong rin sa pagkaburyong.

        Kung may pagkakataon silang makalabas sa kanilang mga bahay, iyon ay pagkakataon lamang para makabili ng mga pangangailangan sa loob ng bahay o para makakuha ng tulong mula sa local government o sa iba pang ahensiya ng pamahalaan na nakatutok ngayon sa pamamahala ng ECQ.

        Pero dahil mahigpit nga ang mga checkpoint, at minsan ay mayroon tayong mga kababayan na mapilit, makulit o pasaway e nagkakaroon ng tensiyon.

        Pero hindi ba dapat na tinitimbang din ng mga tumatao sa checkpoint ang rason ng mga nais pumasok o lumabas sa isang area?

        Lalo na kung ang mga personaheng sangkot ay sertipikadong Authorized Person Outside Residence (APOR) sa hanay ng iba pang frontliners?

        Huwag kalimutan ng mga nasa checkpoints na hindi lang sila ang frontliners. Nariyan ang health sector, media, delivery sector, mga service crew and staff sa pharmacy, supermarkets, wet market at iba pa.

        Kung mayroong mga pulis na nagpapakita ng arogansiya sa pagmamando o paninita, madalas din itong problema sa hanay ng barangay level na ECQ checkpoints.

        Sa totoo lang hindi na eagerness na maprotekhan ang komunidad, ang nakikita natin sa ganitong attitude kundi parang pag-iral ng ‘kapangyarihan’ sa tuktok ng kanilang mga kukote.

        Masasabi rin natin na parang nagpa-duty lang ng pulis o barangay official na walang oryentasyon kung ano ang ibig sabihin ng APOR, ng IATF-MEID ID, at sa mga susunod na araw ay RAPID PASS naman.

        Hindi ba’t maraming karanasan na maging healthcare frontliners ay hindi pinapayagang makalusot sa checkpoint?! May kaso pa na pinaglakad ang isang nurse dahil pinababa siya sa motorsiklo dahil labag daw sa social distancing.

        Kamakailan, maging si Lt. Jess Ducusin ng Airport Police Department (APD) ay hindi pinalusot sa isang barangay checkpoint sa Pasay City para mamili sa palengke ng kakainin nilang mga frontliners sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) gayong klaro naman na siya ay kabilang sa APOR.

        Kinailangan pang magkaroon ng mainit na pagtatalo na salamat naman at sa huli’y nagkasundo ang magkabilang panig.

        Pero nakapapagod ang ganoong situwasyon. Naubos ang oras sa argumento at malamang sumabay sa tensiyon ang mga presyon ng dugo.

        Nakalulungkot na nangyayari ito, dahil sa kakulangan ng oryentasyon ng ilang tumatao sa checkpoints.

        Hindi natin alam kung nauunawaan ba ng mga tumatao sa checkpoints kung ano ang ibig sabihin ng APOR. Kinikilala at inirerespeto ba nila ang ID na iniisyu ng IATF-MEID?!

        Sa palagay natin, sa bawat checkpoints ay mayroong opisyal na naka-duty na kayang magsalita at naiintindhan kung ano ang APOR.

        Dahil kung wala, paulit-ulit na magaganap ang ganyang karanasan na malaki ang posibilidad na mauwi sa tensiyon.

        Sana’y maging aral sa bawat checkpoint ang mga karanasang nauuwi ang argumento sa tensiyon at kaguluhan.

        Respeto lang po sa bawat isa ang kailangan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …