Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Sa gitna ng ECQ… Construction workers inabandona, contractors panagutin

ANO kaya ang kaparusahang nababagay sa mga contractor na iniwan ang mga kinuhang construction workers sa mga probinsiya pero pinabayaang nakanganga noong ibaba na ang enhanced community quarantine?

Ilang kuwento ba ng construction workers ang nakita natin sa telebisyon na naglakad nang napakalayo para lamang makauwi sa kanilang mga pamilya?!

Pero kapag nakita ninyo ang kalagayan ng mga construction workers na ngayon ay makikita sa lansangan ‘e baka sabihin ninyong masuwerte ang mga naglakad noong unang bago pa lamang ang ECQ dahil ngayon ay kapiling nila ang kanilang pamilya.

Bagama’t may utos si Pangulong Rodrigo Duterte o ang IATF na ang mga manggagawang inabutan ng  ECQ sa isang lugar ay dapat na tangkilikin ng nakasasakop na barangay, alam naman nating sa realidad ay hindi nangyayari ito dahil hindi nila kilala ang mga construction workers na dayo sa kanilang barangay.

Kaya ngayon, ang mga construction workers na inabandona ng kanilang contractor ay ‘nakanganga’ kung saan sila inabutan ng lockdown.

Kaya nga ang tanong nila, ano po ang parusang ipapataw ng pamahalaan sa mga contractor na nagpabaya sa kanilang mga trabahador?!

Hahayaan na lang ba ng mga awtoridad na palampasin ang pagpapabaya nila sa kanilang mga trabahador sa panahon ng pandemya?!

Ang mga opisyal ng local government unit (LGU) na hindi kinalinga ang mga manggagawa o trabahador na hindi nakaalis sa area of responsibility (AOR) sa panahon ng ECQ, wala ba silang nilabag na batas sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act?!

Sino kayang makabayang abogado ang magseserbisyo nang pro bono para ipagtanggol  ang mga trabahador na iniwan ng kanilang mga contractor sa panahon ng matinding krisis ng COVID-19?

Mantakin ninyong nalantad sila sa panganib na mahawa ng COVID-19 dahil nasa lansangan na sila at walang matuluyan at makainan?!

Sobra naman ang pagkaganid sa kuwarta ng mga contractor na ‘yan na basta na lang iniwan ang kanilang mga trabahador.

Hindi man lang ninyo naisip na hindi lang sila ang nagutom kundi ang kanilang pamilya na labis na nag-aalala sa kanila.

Sana nga, paglipas ng krisis na ito, panagutin sa batas ang mga pabaya at balasubas na contractors.

Singilin!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …