Thursday , December 19 2024

Mag-ingat sa fake news ng ‘poli-virus’ — Yorme Isko  

NAGBABALA si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa publiko na maging maingat sa ‘poli-virus’ o political virus na kasabay na nanalasa ng coronavirus disease o COVID-19 sa bansa.

 

Ang tinatawag na ‘poli-virus’ ay may taglay umanong katangian ng isang makasariling politiko na nagsasamantala sa situwasyon para makapagpakalat ng fake news o maling impormasyon na layong makapanira ng kalaban sa politika.

 

Kasabay nito, nanawagan si Mayor Isko na magjng responsable sa pagpo-post sa social media dahil papanagutin niya ang magpo-post ng fake news para palabasin na walang disiplina sa Maynila.

 

Tinukoy ng alakalde ang lumang video noong napakasikip pa ng Divisoria na ini-repost ng ilang netizens kasama ang dalawang opisyal ng gobyerno na sina  Albay Rep. Joey Salceda at Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin, Jr.

 

Pahayag ni Isko, “Mga kababayan naman,  ‘pag ‘di naman totoo, ‘wag na natin i-post o i-repost kasi hindi po nakatutulong. Kasi kami, tumutugon dahil ang paniwala ko tapat kayo at ang intensiyon ninyo ay maganda. Bising-bisi po ‘yung nag-post. ‘Yung video na pinost ng mga indibiduwal at ini-repost ng mga kilalang tao sa gobyerno, siyempre ang mga taga-Maynila magre-react dahil kung taga-Binondo o taga-Tondo ka, alam mo agad fake news,”

 

“Sa totoo lamang,  itong video na ito, hinahanap na ng cybercrime division ‘yung taong nag-post at nag-repost nito kung may violation sila under cybercrime law,” dagdag ng Alkalde.

 

Base sa impormasyon na nakarating kay Mayor Isko, ang pasimuno nito ay nagmula sa southern part ng bansa at hindi aniya lubos maisip kung bakit nag-post ang ilang indibiduwal sa social media gayong hindi naman sila residente sa lungsod.

 

Ang nasabing post ay ikinagalit ng mga Manileño dahil kabaliktaran ito ng tunay na kalagayan ng maayos at malinis na Divisoria.

 

Gayonman, humngi na ng pasensiya ang dalawang opisyal.

 

“Sila ‘yung walang magawa sa buhay. Pindot lang sa internet, bayad na. ‘Di baleng sirain nila ang gobyerno at ang utak ninyo para tumaas lalo ang stress ninyo… doon kumikita ang ilang indibiduwal. ‘Yun ang ipinakakain nila sa kanilang pamilya, ‘yung siraan ang gobyerno,” ani Mayor Isko.

 

Samantala, isang netizen na kinilalang si Ronald Gunday ang nahaharap ngayon sa kasong paglabag  sa RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012, at RA 1469 (Bayanihan To Heal As One Act).

 

Ito ay makaraang mag-post si Gunday ng pekeng larawan ng mga nagsasabong sa isang barangay.

 

“Don’t push us to the wall…may hangganan ang lahat. Mahaba ang pasensiya ko. Ako’y magpapaliwanag, mananawagan pero may hangganan din. Mag-ingat sa mga post. Kung wala kang maitutulong ‘wag ka nang makaprehuwisyo pa,” ani Mayor Isko. (BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *