Sunday , April 27 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Bayanihan Act malalang nilalabag sa bayan ng Cabuyao sa Laguna?

NANAWAGAN ang mga residente sa Cabuyao, Laguna kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil hindi nila maintindihan kung bakit parang hindi na umano sila bahagi ng Filipinas.

Hinahanap din nila ang kanilang alkalde na si Mayor Rommel Gecolea dahil marami silang nababalitaang donasyon mula sa malalaking food factories pero wala umanong nakararating sa kanila.

Narito po ang bahagi ng pakiusap ng mga taga-Cabuyao:

“Baka puwede na rin po paki-kolum para mabanatan ang mayor dito, Sir. Sobrang corrupt na. Ang daming donations galing sa malalaking food factories ng Cabuyao gaya ng Nestle, URC, at Asia Brewery, pero ang ipinamimigay sa mga tao kalabasa, 2 kilong bigas, at isang lata ng sardinas.

        Nasaan ang P31-M na inilabas na pondo para sa mga mamamayan?

 Sir pakitanong po sa DOH, “Kung ano ang masasabi nila sa ginawa ng Cabuyao City na inilibing ang namatay na COVID patient sa apartment type na libingan sa city cemetery? ‘Di ba malinaw na paglabag ito sa DOH guidelines na i-cremate ang namatay sa ganoong sakit?

Ano ang sanction na naghihihtay sa Mayor ng siyudad na pinayagan ang ganitong proseso?”

Nanawagan po tayo sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na bigyang pansin ang reklamong ito ng mga taga-Cabuyao dahil marami na po ang dumaraing sa kanila.

Governor Ramil Hernandez, paki-check naman ang bayan ng Cabuyao. Aba, hindi na alam ng mga taga-Cabuyao kung saan sila lalapit para matugunan ang kanilang mag pangangailangan.

Hinggil naman sa paglilibing sa namatay COVID-19 patient, malinaw ang atas ng IATF – kailangan mai-cremate sa loob ng 12-oras ang bangkay.

E bakit nga naman inilibing sa isang apartment-type na libingan?

Hindi umano puwedeng idahilan na kulang pa ang bayad sa punerarya o may kakulangan pa sa dokumento.

Ang utos — ilibing sa loob ng 12 oras ang namatay na COVID-19 patient.

Mismong si Cabinet Secretary Karlo Nograles ang nagpahayag niyan, alinsunod sa resolusyon ng Gabinete at ng IATF mismo.

Sinuportahan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang pahayag ni CabSec. Nograles.

Aniya, ang bangkay ng namatay sa COVID-19 ay kailangang sunugin o i-cremate sa loob ng 12 hours.

Kung ang namatay ay Muslim, ang kanyang labi

ay ilalagay sa airtight sealed bag, at sa loob ng 12 oras,

sa presensiya ng Imam ay kailangang maisagawa ang kanilang ritual, at ang COVID-19 victim ay ililibing sa pinakamalapit na Muslim cemetery.

Sa ilalaim ng Resolution No. 10 ng IATF-EID, magtatalaga ang LGUs ng puneraryang magpoproseso sa bangkay ng COVID-19 victim ganoon din sa mga

patients under investigation.

Kailangan din umanong maglaan ang LGUs ng financial assistance para sa logistics, fuel, salary, at iba pang gastusin sa paglilibing.

“To reiterate funeral services staff and personnel are granted exemptions from the imposed enhanced community quarantine (ECQ). The said individuals may freely move and travel to ensure that the remains of deceased individuals will be given proper funeral services,” saad sa resolution.

Ang LGUs, punerarya, at mga opisyal ng gobyerno na hindi susunod sa atas alinsunod sa resolusyon ay maaaring patawan ng kaukulang  disiplina o parusa.

Mayor Rommel Gecolea, klaro na ba ‘yan?!

        Aba, kalingain naman ninyo ang constituents ninyo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Tara, PNP, pustahan tayo!

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAHIRAP paniwalaan ang patuloy na paninindigan ng Philippine National …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Hustisya sa kuwaresma hatid ng PNP sa pamilya Que-Pabilio

AKSYON AGADni Almar Danguilan TUWING kuwaresma ang lahat ay nagpapahinga, nagbabaksyon, nagninilay, etc…dahil walang pasok …

Sipat Mat Vicencio

Masisikmura ba ng DDS na iboto si Imee?

SIPATni Mat Vicencio SA KABILA ng pambobola ni Senator Imee Marcos sa pamilyang Duterte, magagawa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperado na si Camille Villar at ang paglaglag ni Sara sa PDP-Laban senatorial slate

AKSYON AGADni Almar Danguilan DAHIL sa ginawang pag-endoso ni Vice President Sara kina Senator Imee …

Sipat Mat Vicencio

Si Grace, si Brian at ang FPJ Panday Bayanihan Partylist

SIPATni Mat Vicencio TANGAN ngayon ni Brian Poe ang ‘sulo’ ng pakikibaka na inumpisahan ni …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *