IKINATUWA ng senado ang anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbibigay ng ayuda sa middle class earners at lalo sa small wage earners.
Ayon kina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Senador Joel Villanueva magandang balita at hakbangin ito para sa pamahalaan.
Iginiit nina Sotto at Villanueva, patunay lamang ito na mas mahalaga sa Pangulo ang buhay ng bawat Filipino at hindi pera.
Inilinaw nina Sotto at Villanueva na ang pera ay madaling kitain at hanapin dahil maraming resources ang pamahalaan kaysa buhay ang mawala nang dahil sa gutom.
Tiniyak ni Sotto, suportado ng senado at ng mga senador si Pangulong Duterte sa nasabing hakbangin.
para sa mga mamamamyan bilang tugon sa pinalawig na enhanced community quarantine. (NIÑO ACLAN)