Saturday , November 16 2024
arrest posas

Misis sinapak, binantaang papatayin, Mister deretso sa hoyo

SA KULUNGAN bumagsak ng isang 37-anyos driver matapos sapakin at pagbantaan na papatayin ang kanyang asawa makaraan ang kanilang mainitang pagtatalo sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Valenzuela Police chief P/Col. Fernando Ortega ang suspek na si Randy Dechaca, residente sa Anneth 1, Brgy. Marulas na nahaharap sa kasong physical injury at grave threat in relation to RA 9262 o Violence Against Women and their Children Act.

Batay sa ulat, dakong 10:30 pm, kinompronta ni Jena, 39, ang kanyang mister sa loob ng kanilang bahay nang madiskubreng nakikipagrelasyon sa ibang babae kaya nauwi sa pagtatalo.

Sa kainitan ng pagtatalo, sinapak ng suspek sa ulo ang biktima saka kumuha ng gunting at pinagbantaang saksakin ang asawa ngunit tinangkang makipag-agawan ng ginang na naging dahilan upang masugatan ang kanang kamay.

Matapos ito, nagawang makatakbo ng biktima palabas ng kanilang bahay at humingi ng tulong sa Valenzuela Police Community Precinct (PCP)-3 na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *