Saturday , November 16 2024
Covid-19 positive

62-anyos stall owner positibo sa COVID-19; Trabajo market lockdown  

TOTAL lockdown ang Trabajo Market nang matuklasang nagpositibo sa coronavirus ang isang negosyante ng karne sa nasabing palengke.

Isa ang kompirmadong kaso ng COVID-19 sa palengke habang isa ang person under investigation (PUI) at isa ang person under monitoring (PUM).

Isang negosyante ng karne ang kompirmadong naospital sa Philippine General Hospital (PGH) at nitong Sabado ng gabi lumabas ang resulta ng pagsusuri na nagsasabing positibo siya sa COVID-19.

PUI ang batang pamangkin ng isang tinder, habang residente sa lugar ang PUM, ayon kay barangay kagawad Mel Ocampo.

Nilagyan ng barikada ang Dela Fuente St., mula Loyola St., hanggang Vicente Cruz St., patungong Trabajo market.

Hinakot ng mga stall owner ang kanilang mga gamit at paninda para sa disimpeksiyon ng buong palengke, ayon kay Ocampo.

Wala pang impormasyon kung magbubukas ang palengke matapos ang disimpeksiyon.

Umabot sa 50 ang kompirmadong kaso ng COVID-19 sa Maynila nitong Sabado.

Anim ang namatay at dalawa ang nakarekober. Ang mga PUI naman ay umabot na sa 192 ang bilang.

Kaugnay nito, umalma ang mga kaanak ng negosyanteng dinapuan ng sakit sa pagbubulgar ng barangay chairwoman ng Barangay 453 Zone 35 District 4 ng Maynila.

Ayon sa hipag ng naapektohan ng COVID-19, mabilis na kumalat sa social media ang pagkakakilanlan ng kanyang kaanak na nagdulot ng malaking prehuwisyo at pagkabahala sa kanilang pamilya dahil sa ‘social discrimination’ na kanilang nararanasan nang tila pandirihan sila sa kanilang lugar at nasira ang negosyo ng kanyang hipag.

Sinabi nito na nasorpresa sila kung paano kumalat ang impormasyon.

“Hindi naman tama ang ginawa ni chairwoman, dapat sana protektahan niya ‘yung constituent niya na hindi rin gusto o kagagawan no’ng pasyente ang nangyari sa kanya, ni hindi kami kinausap bigla na lamang inilabas nila pati picture ng hipag ko ini-screenshot at pinapiyestahan sa Facebook,” pahayag ng kaanak ng pasyente.

Ang negosyanteng nagpostibo sa COVID-19 ay edad 62-anyos, may diabetes at karamdaman sa pulmonya.

Noong Pebrero ay na-admit ang pasyente sa Manila Medical Center dahil sa sakit na pneumonia  pero pinauwi matapos umayos ang kanyang kondisyon.

Wala umanong travel history at ang aktibidad ay magpunta sa kanyang meat shop araw-araw.

Nang pumutok ang balita sa COVID-19 ay nag-self quarantine sa bahay ang pasyente at tanging ang mga trabahador niya ang nagtitinda.

Nitong 14 Marso, may sintomas na lagnat at nakaramdam ng panghihina ang pasyente bukod pa sa nahirapan sa paghinga.

Dahil dito, nagpasya ang pamilya na dalhin ang pasyente sa Philippine General Hospital (PGH).

Nitong 24 Marso ipinadala sa text message ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM)  ang resulta na positibo sa COVID-19 ang pasyente.

“Ang masakit, pati hanapbuhay ngayon ng aking hipag nasira na nila, sino pa ang pupunta para bumili ng mga karne sa kanila na parang ngayon pinandidirihan na kami. Maski nga si Mayor Isko hindi binabanggit ang pangalan ng mga apektado samantala ang chairwoman walang habas na ikinalat sa buong komunidad namin sa Sampaloc ang pagkakakilanlan ng pasyente, e hindi naman tama ‘yan,” giit ng kaanak ng pasyente. (VV/BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *