Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Maraming salamat sa inyong kabayanihan “our dear frontliners”

KAHAPON tatlong doktor ang pumanaw — sina Dr. Greg Macasaet, isang anaesthesiologist sa Manila Doctors Hospital; Dr. Israel Bactol, cardiology fellow-in-training ng Philippine Heart Center; at Dr. Rose Pulido, medical oncologist, from San Juan  de Dios Hospital.

Pumanaw sila dahil sa coronavirus o COVID-19. Nakuha nila ang virus mula sa kanilang mga pasyente.

Kaya nauunawan natin kung bakit ang mga doktor na above 60 years old ay hindi na dapat mag-clinic o tumanggap ng pasyente, dahil sa nakatatakot at nakamamatay na COVID-19 lalo na kung sinungaling ang pasyente at hindi magdedeklara ng kanilang travel history.

Kaya sa panahon ngayon ng coronavirus (COVID-19) sa panahon na mahigpit na ipinatutupad ang enhanced community quarantine (ECQ), bayani natin ang ating frontliners — ang mga doktor, nurses at iba pa sa medical and allied professions, ang mga pulis, sundalo…

Mga barangay officials at mga tanod na nagtitiyagang i-monitor ang mga komunidad para mahigpit na maipatupad ang home quarantine at social distancing.

‘Yung mga kaminero na hindi nagsasawang kunin ang mga basura natin sa araw-araw para manatiling malinis at malusog at ating kapaligiran.

‘Yung mga kailangan pumasok sa trabaho gaya ng tellers sa banko, mga empleyado sa BPOs, ‘yung mga nagtatrabaho sa kani-kanilang bahay para kahit paano ay umikot pa ang ating ekonomiya.

Sila ang ating frontliners, habang lahat tayo ay nasa loob ng ating mga tahanan, bagamat naiinip o hindi mapakali, ay makatitiyak naman na ligtas at hindi makapag-aambag sa pagkalat ng coronavirus.

Habang nasa loob tayo ng ating mga tahanan, sana’y mag-ambag tayo ng panalangin para sa ating frontliners na manatiling ligtas laban sa COVID-19.

Kahapon, kinilala at pinuri ng Malacañang ang “selfless and heroic deeds” ng health workers sa pagpanaw ng tatlong doktor.

Bukod sa Malacañang, nakiramay at nakidalamhati, pinuri at kinilala rin sila ng mga organisasyong kanilang kinabibilangan dahil sa kanilang walang pag-aalinlangang paglilingkod.

“You are a great loss to the medical profession and to our country. We thank you dear doctors for finishing the race with a great fight,” pahayag ng kanilang asosasyon.

May isang concern si Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, ang kabiyak ng puso ni Dr. Macasaet  na si Dra. Eva Talens-Macasaet, na isang anaesthesiologist rin ay nahawa ng virus at kasalukuyang nasa isolation room.

Marami ang nanalangin na sana’y maitawid ito ni Dra. Eva, alang-alang sa kanyang nag-iisang anak na kailangan ng kalinga.

Bukod sa mga pumanaw, alam natin na mayroon pang mga doktor na kasalukuyang pasyente na rin dahil nahawaan na sila.

Sa The Medical City, ayon sa kanilang president and chief executive officer Eugenio Jose Ramos, halos 150

health workers ang inatasang mag-self-quarantine matapos ma-exposed sa COVID-19 patients.

Aniya, “As of last night, placed under quarantine for 14 days were 95 nurses, 13 residents and fellows, 12 emergency room physicians and 24 house staff.”

Sa kasalukuyan ang problema ng ating health workers ay kakulangan ng personal protective equipment (PPE).

Sa panahon ngayon, iisa lang ang dapat natin gawin, magtulungan at makinig sa sinasabi ng mga awtoridad dahil ang buhay ng virus ay hanggang 21 days lamang.

Kung wala na silang makakapitan o mahahawaan, kusa na silang mamatay.

Kaya please lang, mga kababayan, stay at home to stay safe.

        Again, ingats po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *