Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Pastillas’ Senate hearing ‘lamunin’ na rin kaya ng COVID-19?

MIXED emotions daw ang naramdaman ng mga sumusubaybay sa nakatakdang pagdalo ni dating Department of Justice Secretary Vitaliano “Vit” Aguirre sa senate hearing noong Miyerkoles, 11 Marso 2020.

Pero dahil nga sa issue ng COVID-19 ay nakansela ang nakatakdang pagdinig sa kaso.

Marami ang nadesmaya dahil pagkakataon sanang patunayan ng dating Kalihim kung may totoong  

kinalaman siya o pasinungalingan ang anumang alegasyon ng kolumnistang si Mon Tulfo at whistleblower na si Immigration Officer (IO) Allison Chiong sa isyu ng ‘pastillas scheme’ sa Bureau of Immigration – Ninyo Aquino International Airport (BI-NAIA).

Mahalaga ang statement ni Aguirre dahil puwedeng makapagpahina ito sa alegasyon ni Chiongkie ‘este’ ni Chiong na noong huling sesyon ay kitang-kita kung paano na-overpower ng grupo ng mga akusado!

Nakapagpadagdag din sa grupo ang matikas na pamamahayag ni dating Deputy Commis­sioner and Acting Port Operations Division Chief Mark Red Mariñas na pinanindigang hindi umano uso sa kanyang panahon ang ‘pastillas.’

Oh really?

Pero dahil sa COVID-19 ay nabahag ang buntot ng mga nag-iimbestiga at nag-aakusa. Hindi kaya may gapangang nangyari bago pa man dumating ang takdang araw ng sesyon?

Ayon sa dating SOJ, nakahanda siya sa anumang ibabatong akusasyon sa kanya.

Matatandaan na pinagdikdikan ng Manila Times columnist na may kinalaman ang opisyal sa nangyaring anomalya sa NAIA.

Siya pa nga raw ang protektor ng grupong pastillas.

Patunay pa raw dito ang magkakasunod na pagpunta ng isang chopper sa bayan nila sa Mulanay, Quezon upang maghatid ng ‘tara’ galing sa mga paliparan ngunit matigas ang paninindigan na pawang kasinungalingan ang ibinibintang sa kanya.

Ang tanong ng nakararami, sa pagkakansela ng senate hearing tungkol sa ‘pastillas,’ kasunod na ba nito ang senate committee report nina Senadora Risa Hontiveros?

Sa darating na 4 May 2020 sana ang pagbabalik ang mga senador para sa kanilang trabaho. Pero mukhang hindi na ito mangyayari.

Tanong ng nakararami, may kasunod pa ba ang hearing tungkol sa ‘pastillas’ o kasama na rin itong mababaon kasama ng COVID-19?

Abangan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *