LOCKDOWN ang sampung barangay sa Maynila upang maiwasan ang paglabas ng tao sa kani-kanilang tahanan sa lumalawak na banta ng COVID-19.
Sa pahayag ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, kabilang sa lockdown ang mga barangay 48, 49, 50, 51, 52, 53, 54, 55, 307, at 308.
Malinis at wala wala na ang mga street vendor na nagkalat sa C.M. Recto Ave., at sa mga kalye ng Raon, Evangelista, at Carriedo.
Ayon kay Moreno, nagsisimula nang mamahagi ng mga bigas at de-lata ang mga barangay chairman sa mga barangay na sumasailalim sa lockdown.
Mahigpit na ipinatutupad ang ”no ID, no entry” sa Maynila.
Samantala, ilang hotel sa Maynila na pumayag ipagamit ang kanilang mga kuwarto sa health workers para hindi na sila mahirapan sa pag-uwi.
Kabilang rito ang Sogo Hotel na may 421 kuwarto, Eurotel, 50 kuwarto, at Bayview Hotel para libreng magamit ng health workers.
ni BRIAN BILASANO