Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Sa enhanced community quarantine… Food rationing lumarga na ba?

KAHAPON, umabot na sa 187 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Kabilang sa 187 ang 12 kaso ng mga namatay at ang 4 na nakarekober.

Kompara sa ibang bansa, maliit ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ating bansa, pero hindi kasama riyan ang persons under monitoring (PUMs) at persons under investigation (PUIs).

Alam nating marami ang hindi natutuwa sa ‘enhanced community quarantine” na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte lalo’t apektado ang kabuhayan ng mga taong umaasa sa maliit na kita sa pang-araw-araw na paghahanapbuhay gaya ng mga vendor, at iba pa lalo sa hanay ng service sector.

Kaya nga narinig natin na inatasan ng Pangulo ang Inter-Agency Task Force COVID-19 at ang local government units (LGUs) na isama sa kanilang pag-alalay sa mamamayan ang ‘food rationing’ lalo sa bawat pamilya na labis na apektado ang pang-araw-araw na kabuhayan.

Kung hindi tayo nagkakamali, P27 bilyones ang inilalaan ng Pangulo para maayudahan ang mga kababayan natin sa araw-araw na pamumuhay sa loob ng 30-araw na naka-lockdown ang buong Luzon.

Luzon pa lang po ang naka-lockdown pero naririnig na natin na maging ang Mindanao ay magla-lockdown na rin.

Malaki ang budget na inilaan ng Pangulo.

‘Yang P27 bilyones na ‘yan ay huwag naman sanang magmukhang ‘makintab at malutong na lechon’ na parang ang sarap-sarap lantakan sa mata ng government officials na mahilig gumawa ng tsapit mula sa pondo ng gobyerno.

Alam nating imposible na walang kumurot sa P27 bilyones na ‘yan, kung hindi kayo makapagpigil, please lang ‘wag ninyong lakihan at baka biglang mag-convert sa COVID-19 ‘yan e lalo pang hindi matapos ang krisis na ‘yan.

May LGUs na nakita nating naghanda na ng kanilang food stubs para sa kanilang constituents at target na simulan ang ‘food rationing’ bukas, araw ng Huwebes.

May ilang punong lungsod na nag-abono para makapagsagawa ng misting at ma-disinfect ang bawat barangay sa kanilang lungsod.

Mayroong naghanda ng mga protective gear gaya ng mask, gloves at hands sanitizers, pakidagdagan lang po ng food and water.

Paano kaya ‘yung mayroong mga baby na kailangan magpagatas ng mga anak?!

May magkakaloob kaya ng vouchers para maipambili ng infant formula at purified water para sa mga baby?!

Gift check na lang po o kaya infant formula and purified water vouchers para matiyak na mapupunta sa mga baby.

‘Yung mga maintenance medicines ng mga senior citizens?! May magkaloob din kaya?! Vouchers na rin po ang ibigay ninyo para siguradong maibili ng gamot.

Sa mga buntis, ano po kaya ang maipagkakaloob ng IATF COVID 19?!

Sabi ng Pangulo, puwede rin siyang makiusap na bawasan ang bayad sa renta ng mga umuupa ng bahay. Kahit 50 percent man lang.

Ilang utility provider companies ang nagpahayag ng moratorium. Bakit hindi pa gawing reprieve? Bakit moratorium pa?! 

Anyway, gusto lang po natin sabihin, sa bigat ng dinadala ngayon ng mga Filipino, mapagagaan rin  natin ito kapag tulong-tulong.

Ngayon na po ang tamang panahon!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *