Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
INIIMBESTIGAHAN ng mga tauhan ng SOCO ang tatlong bangkay ng lalaki kabilang ang dalawang Chinese nationals na kinilalang sina Ninjie Zhang at alyas Kauyu; at ang Pinoy na si Noel Olimba, driver, matapos pagbabarilin ang kanilang sasakyan ng riding in tandem habang binabagtas ang General Santos Ave., Barangay Upper Bicutan sa Taguig City kahapon. (ERIC JAYSON DREW)

2 Chinese nat’l, pinoy todas sa tambang

DALAWANG Chinese nationals at isang Filipino ang namatay at dala­wang menor de edad ang sugatan nang tambangan at pagbabarilin ng apat na ‘di kilalang armadong kalalakihan habang sakay sa isang kotse kahapon ng hapon sa lungsod ng Taguig.

Kinilala ang mga biktima na sina Ninjie Zhang, 42 anyos, lalaki, residente sa Bagong Silang, Caloocan City, at isang alyas Kauyu, kap­wa Chinese national; at isang alyas Noel, Filipino, residente sa Cavite.

Ginagamot sa Taguig Pateros Hospital ang dalawa pang biktimang menor de edad na sina Ana 5-anyos, at Marie, 12-anyos ng Brgy. 176 Bagong Silang, Caloocan City.

Sa report ng Taguig City Police, nangyari ang pamamaril sa tapat ng gusali ng Department of Science and Technology (DOST) sa Gen. Santos Avenue sa Bgy. Upper Bicutan, ng naturang lungsod dakong 2:30 pm.

Nabatid na lulan ang limang biktima ng isang itim na kotse nang hara­ngin ng apat na armadong lalaki saka binistay ng bala ang sasakyan.

Agad nagresponde ang mga tauhan ng puli­sya sa lugar kaya naisu­god ang mga biktima sa nabanggit na pagamu­tan.

Malalimang imbes­tigasyon ang isinasagawa ng Taguig City Police sa insidente habang ikinasa na ang follow-up operations para matukoy at mahuli ang mga suspek. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …