Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
suicide jump hulog

Kelot nahulog sa Munti mall nalasog tigok

HINIHINALANG nahu­log ang 48-anyos lalaki mula sa mataas na bahagi ng isang mall sa Muntin­lupa City, nitong Linggo ng gabi.

Patay agad ang biktima na kinilalang si Pete Anthony Palma Ven­tura, residente sa Hermo­sa St., Barangay 200, Tondo, Maynila, dahil sa matinding pinsala sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa ulat ng Muntinlupa city police, natagpuang duguan at walang buhay ang bikti­ma sa first level ng Star­mall Alabang sa nabang­git na lungsod, dakong 7:10 pm.

Sa kuwento ng saleslady na si Roselyn Dela Marquez, nasa hustong gulang, kasa­lukuyan siyang nakaban­tay sa tindahan nang makarinig siya ng mala­kas na tunog at nang ting­nan nakita ang duguan at nakabu­lag­tang biktima na nakasuot ng itim na basketball shirt, asul na shorts at nakatsinelas.

Hinala ni Dela Mar­quez, nahulog ang bikti­ma mula sa upper ground floor na naging sanhi ng matinding pinsala sa katawan at dagliang pagkamatay ng lalaki.

Gayonman, susuriin ng awtoridad ang kuha ng CCTV sa loob ng mall upang masiguro kung aksidente o may foul play sa pagkamatay ni Ventu­ra sa loob ng nasabing mall.

Patuloy ang isina­sagawang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente.

 (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …