Saturday , November 23 2024

Manonood napa-wow sa drone show sa 114th Navotas day

NAPA-WOW ang halos 14,000 manonood sa drone exhibition na itinanghal kaugnay ng pagdiriwang ng ika-114 anibersaryo ng pagka­katatag ng Navotas.

Ang exhibition, na isinagawa sa Navotas Centennial Park, ay ginamitan ng 180 drone na bumuo ng iba-ibang larawan tulad ng mapa ng Navotas, isda, barko at mga gusali na nagsisim­bolo ng maunlad na industriya ng pangingisda sa lungsod.

“Bawat taon, sinisikap namin gawing mas maganda ang pagdiriwang ng Pangisdaan Festival. Ito ay bilang pasasalamat sa inyong walang humpay na suporta sa ating pamahalaan at sa inyong mahalagang ambag sa patuloy na pag-angat ng ating lungsod,” ani Mayor Toby Tiangco.

Ang drone dance ay bahagi ng Variety Show and Grand Fireworks Display na isinasagawa tuwing 15 Enero bilang pagsalubong sa Navotas Day.

Tampok sa show ngayong taon sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte, Rayver Cruz, Zephanie Dimaranan, Michael Pangilinan, Jericho Rosales, at December Avenue.

Kasama sa guest celebrities sina Jana Agoncillo, Kyline Alcantara, Andrea Torres, Negi at Pepay,  MC at Lassie.

Inimbita rin ng festival organizers ang mga local talent kabilang ang NavotaAs art scholars,( Navotas All Stars dance group, Mutya ng Navotas 2019 Anne Tenorio at Prince of Ballad( Gerald Santos.

Samantala, sa kabila ng kasiyahan, hinikayat ni Cong. John Rey Tiangco ang publiko na ipag­dasal ang mga biktima ng pagputok ng bulkang Taal at tulungan sa kahit anong paraang maka­kaya.

Ayon sa mambabatas, maaaring magdala ng donasyon sa City Social Welfare and Develop­ment Office sa Navotas City Hall Annex.

Ang Pangisdaan Festival ay opisyal na nagsimula noong 10 Enero sa pamamagitan ng Street Dance Competition ng mga pampublikong hayskul, sinundan ng pagbukas ng Kalye Fiesta at pagparangal sa Top 20 Business and Realty Taxpayers.

Kasama rin sa mga aktibidad ang Pangisdaan Festival Motorcade and Boodle Fight, Aero Zumba Competition, Araw ng Mangingisda, Misa ng Pasasalamat at Pistang Kristiyano.

Nagdaos din ang lungsod ng Pamilyang Navoteño Fun Day, 4th Navotas Invitational Motor Show, at Mutya ng Navotas 2020 kasama sina Robi Domingo at Tony Labrusca.

Ang Perlass de Navotas, pageant para sa mga bakla, ay ipinagpaliban sa 19 Enero matapos maapektohan ng ash fall ang Metro Manila dahil sa pagsabog ng bulkang Taal.

Ang Pangisdaan Festival ay nagtapos sa isang grand parade na naging mas espesyal dahil sa pagdalo nina Bela Padilla and Ryza Cenon. Nilahukan ito ng mga opisyal at empleyado ng lungsod, senior citizens, faith-based at pribadong mga organisasyon, at sektor ng negosyo at edukasyon.

Nakadagdag sa kasiyahan ng okasyon ang makukulay na floats mula sa 18 barangays ng lungsod na idinisenyo ayon sa tema na, “Sama-sama tayo tungo sa magandang bukas.”

(JUN DAVID)

About Jun David

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *