Saturday , November 16 2024
Iran
The flag of Iran pinned on the map. Horizontal orientation. Macro photography.

10 OFW mula Iran uuwi na sa bansa

KASADO na sa susunod na linggo ang repatriation ng 10 overseas Filipino workers (OFWs).

Asahan ang pagdating sa bansa ng unang batch mula sa Iraq sa ilalim ng mandatory repatriation/evacuation na ipinatutupad ng pamahalaan ng Filipinas dahil sa tensiyon sa Middle East.

Ang nasabing grupo ng OFW ay bahagi ng 1,600 Pinoy sa Iraq na unang nagpahayag ng pagnanais na makauwi na sa Filipinas pero tila nagbago na umano ang isip ng karamihan na huwag nang tumuloy dahil humupa na umano ang tensiyon at bumabalik na sa normal ang sitwasyon doon.

Inaasahang sa Miyerkoles bibiyahe ang 10 OFW sakay ng flight mula Doha, Qatar patungong Maynila.

Napag-alaman na tumutuloy ang mga inilikas na OFW sa Embahada ng Filipinas sa Baghdad bago dinala patungong Doha, Qatar na mismong si Environment Secretary at Special envoy to ME Roy Cimatu ang sumalubong sa kanila.

Nasa Qatar si Cimatu upang masubaybayan ang sitwasyon sa ME at personal na pangasiwaan ang mandatory evacuation/repatriation ng mga Pinoy doon.

Bibisitahin din ni Cimatu ang Baghdad sa Iraq at Kuwait.

Nagpapatuloy ang isinasagawang assessment ni Cimatu sa sitwasyon sa Iran, Iraq, Libya at karatig-bansa.

Magkakaroon ng contingency meeting sa pagitan ng Embahada ng Filipinas sa Riyadh at Filipino community sa Saudi Arabia upang talakayin ang paghahanda ng mga OFW sa kabila ng paghupa ng tensiyon.

Samantala, mas ikinababahala ngayon ng mga Pinoy sa Kuwait ang napapabalitang total deployment ban sa naturang bansa lalo na’t nagpahayag na ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa nasabing rekomendasyon sa tensiyon sa ME.

Gayonman naghahanda ang BRP Garbriela Silang para dalhin ang mga ililikas na Pinoy sa mas ligtas na lugar. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *